Lunes, Oktubre 6, 2014

Moral (1982)







Directed by Marilou Diaz-Abaya

Bakit moral ang pamagat ng pelikula?
                Ao nga ba ang moral? Ito ay tumutukoy sa mabuti at masamang kilos o galaw ng tao. Konsepto ng tama o mali. Pero ito ay tumutukoy sa sariling paniniwala ng tao. May mga tao kasing mali ang tingin sa ibang bagay na tama naman ang dating para sa kanyang sarili, ginagawa nya yun dahil wala syang nakikitang mali o masama sa kanyang ginagawa.

Ang isang kilos ay mabuti kung ito ay nakakapagbigay ng ligaya sa iyo o sa ibang tao at kapag masama naman kung ito ay nagbibigay ng dusa sa iyo o sa kapwa.

Ang kultura ang batayan sa paghubog sa pagpapahalaga ng tao. Subalit iba-iba ang kultura ng mga tao kung kayat nagkakaiba ang kanilang halaga at paniniwala. Ang mga karakter sa pelikula ay hindi nalulukuban ng konsensya, parang kahit mali yung ginawagawa nila ay okay lang. Dahil sa buhay na kinalakihan o kultura nila that’s normal.

Si Joey, na isang babaeng hindi takot makipagtalik sa kung sino-sinong mga lalaki, kung kanikanino na sya sumama. Sa ibang tao kahihiyan yun, mali ang kanyang mga gawa.

“Babae ka raw na walang aray” - Meaning sawsawan ng bayan. Isang nakakahiyang label para sa isang babaeng nakapag-aral. Pero kahit masama ang tingin ng iba sa kanya ay okay lamang sa kanya, dahil hindi nya nakikitang masama yun. And besides sa ganoong uri ng environment din naman sya namulat. Kasi yung mother nya sa ganoong system rin nabuhay.


Mahilig syang mang omit ng kung anong kanyang nagugustuhan, like ashtray, yung sa shop. Kasi may pagkukulang syang nararamdaman, kaya nangunguha sya ng mga gusto nya, dahil broken family sila. Tapos gusto nya rin makuha ang mga lalaking gusto nya.

Si Kathy, the desperate one. Gusto nyang maging isang sikat at magaling na singer. Kahit pumatol pa sya sa tomboy, kahit kumapit pa sya sa matandang si Suarez. Humingi sya ng tulong, nagpagamit sya para lang sa kasikatan at karunungang kanyang inaasam. Para sa kanya okay lang yun, gamitin man sya para sa panandaliang aliw may kapalit naman syang makukuha, basta ang importante sa kanya  sumikat sya at gumaling sa pagkanta.

               Si Sylvia, ang pakikipagrelasyon nya sa lalaking may iba na, at ang mas malala pa doon ang karelasyon ng kanyang dating asawa ay isa ring lalaki. Kahit na alam nya na ang sitwasyon pinili parin nya na sundin ang kanyang puso. Dahil sa pagmamahal, kaya nya nagawa yon dahil kagsutuhan nya ang makisalo.  

                Tapos hinuhubog nya ang kanyang anak sa kung paano sya lumaki, hinuhubog sa kulturang mayroon sya. Sinasama sa mga inuman, at pati sa lakad ng barkada.

Si Marites, nagpakasal ng buntis na. Makasalan yun para sa mata ng simbahan. Ang kultura ng mga Pilipino kapag buntis ka na nang ikasal nakakahiya. Wala na ang pagkabirhen ng mga kababaihan. Pero dahil parin sa pag-ibig pinili nya ang mabuntis ng wala sa oras o sa tamang panahon. Mali man sa pangin ng iba, desisyon nya yon dahil para sa kanya hindi yun masama.

Ang tao ay may moral kung kanyang pinipili ang maging mabuti o ang maging masama. Sabi ko nga sa bandang unahan, ang isang kilos ay mabuti kung ito ay nakakapagbigay ng ligaya sa iyo o sa ibang tao at kapag masama naman kung ito ay nagbibigay ng dusa sa iyo o sa kapwa. Silang apat pinili nila ang mga desisyon na yun kahit ang tingin ng mga tao ay mali, basta wala silang natatapakang iba at nagiging maligawa sila, pinupush lang nila.

Pero napatunayan nila na sa buhay, ang pag-aaral ang nag-iisang  mabuti para sa kanilang lahat. May Moral parin dahil nakapag-aral sila. Para sayo wala nang konsensya pa dahil kagustuhan nang tao ang magpaka sama. Hindi naman sa magpakasama, pero para sa kanila that’s normal.

                Parang kahit may batayan ng konsepto ng moral, hindi pa rin pare-pareho ang depinisyon nito dahil sa ibat ibang kultura at persepsyon ng indibidwal sa konsepto ng moral.



Ang mga karakter bilang

Lorna Tolentino – Joey the rebellious
Bukas sya sa lahat – okay lang na gamitn sya ng ibang tao. (Love in an open door, chos hehe) Mahilig syang magpasakop sa mga hindi naman nya lubos na kilala. Nagpapagamit ng katawan yung ang gusto nya. May pagkakataon pa nga na sya pa ang nang-aakit at talaga namang pinipilit nya. Parang ang bansang nais magpasakop, okay lang na pumunta ang mga dayuhan sakupin at mamuno. Pinapabayaan lang na samantalahin ng iba, minsan nga parang ipinagkakalandakan ng bansa na eto ang meron sa pilipinas at masyadong mapang-akit.

Gina Alajar – Kathy the singer
Capitalism –ibinebenta nya ang kanyang sarili at katawan para sa bagay na kanyang minimithi. Ang sumikat at maging magaling sa larangan ng pagkanta. Paano sya magiging sikat at magaling kung walang tutulong sa kanya, kaya naman pumapayag sya sa ganoong set-up makamit lang ang kagustuhan. Nagkakaroon ng trading para sa sariling interest. Sa business ito ay maihahambing sa pagpapaunlad ng mga produktong likha ng mga negosyante.

Sandy Andolong – Sylvia
Open minded – ang taong mabait at matalino. Sa kanilang magbabarkada, sya na ang pinaka matino. Ang sumusuporta sa kanilang magkakaibigan.  Maunawain sya ng sobra, alam nya kung paano tanggapin ang tunay na sitwasyon ng buhay. Kahit na alam kumplikado, hinarap nya ang katotohanan. Hindi man sinabi sa pelikula haharapin ang isang tulad nyang marahil umiibig sa knyang dating asawa hindi sya nagpakahina. Pinili nya yun dahil sa ginusto nya at niintindihan nya ang tunay siknag damdamin.

Anna Marin – Marites
Simbolismo ng patriarchal – si Marites ay under ng kanyang asawa. Para na syang walang boses, laging dinidiktahan at walang layang makapagdesisyon para sa sarili. Wala syang magawa sa desisyon ng lalaki. Hindi nya  makontra kahit na ayaw na nya sa mga utos at kagustuhan ng kanyang asawa. Hindi sya pinagtatrabahao, pinipigilan sya sa lahat ng gusto nya. She treated as paanakin, pero sa huli na-impose ang feminism dahil naging okay ang kanilang set-up. Naging maayos ang samahan ng dalawa. Nung sinabi ng asawa ni Marites na “miski anong gusto mo” hudyat yon na binibigyan na nya ng freedom si Marites sa kung anong gusto nya. Equality!

            

Huwebes, Oktubre 2, 2014

Masahista (2005)


MALABO ANG LAHAT




Ang pelikula ni Brilliante Mendoza, ito ay tungkol kay Iliac na isang masahista, pero hindi lang basta isang masahista. May extra service yon kapag nagdagdag ng bayad. Habang sabay na ipinapakita ang kasalukuyan, mula sa pag-iimbalsamo hanggang sa paglibing sa ama ni Iliac.

At first I thought present yung nagmamasahe si Iliac at ang past ay yung kwento nya sa probinsya sa Pampanga kasi medyo blur. Akala ko kaya sya nagtrabaho bilang isang masahista kasi namatay ang tatay nya at sya ang bumubuhay sa pamilya nya, but I was wrong. Ang kasalukuyan pala ay ang pangyayari sa probinya at ang nakaraan ay ang nangyayari sa masahihan.

Ang pagsabayin ang nakaraan at ang kasalukuyan sa isang pelikula ay medyo magulo para sa manonood. Pero ang mas nakapagpagulo ay ang nakita kong pagsasabay ng nakaraan at ang papunta sa kasalukuyan, so parang nakaraan lang pala lahat. Pero lets define it nalang na nakaraan at kasalukuyan. Kung hindi nito naipapakita ng maayos ang kaibahan ng kasalukuyan at nakaraan mahihirapan ang mga manonood na intindihin ang kwento. At ang pagsubok doon ay kung paano maipaparating ang mensang nais ipahiwatig ng pelikula kung naguguluhan ang mga manonood.

Dalawang panahon sa iisang pagkakataon. Naging maayus para sa ‘kin ang transition, at obvious ang dimension ng dalawang panahon. Malinaw ang nakaraan at malabo ang sa kasalukuyan.

Bakit malinaw ang nakaraan? Marahil sa buhay nya malinaw na wala na syang ibang nakikitang paraan upang kumita ng pera kundi maging isang callboy. Malinaw na ito ang buhay na pinasok nya at hindi na nya matatakasan pa kahit namatayan pa sya ng ama. Kakulangan sa matinong trabaho sa bansa, kaya napili ni Iliac na mag-callboy. Pati ang magalaw na kuha ng camera sa ilang eksena hindi stable. Magulong buhay ang kanyang kinakaharap. Ina na iniwan ng ama at sumama sa isang hostes, at kung ano-ano pang mga issues.

Bakit malabo ang kasalukuyan? Marahil ipinapakita dito na ang buhay ni Iliac ay malabo, magulo at puno hinagpis. Ang pagiging callboy nya, ang pag-iwan sa kanila ng ama at ang pagkamatay nito, at matinding emotional issues na bumabalot sa kanya. Lahat ng tao may probema, dipende na nga lang sa degree o level ng paghihirap.

Ang libro ni Marina Hidalgo ang naging susi sa pintuan ng nakaraan at kasalukuyan, ang nagdugtong sa lahat ng eksena o sa buong kwento. Ang buhay nyang parang kwento sa isang libro o pocket book. Kumpleto sa elemto ng isang kwento, may climax at pababang aksyon. Tapos punong-puno ng pagsubok, straggles in life na dapat solusyunan, may puot na bumabalot at sya’y may madilim na buhay. Kapansin-pansin ay ang mga tyinelas, sapatos, paghuhugas ng paa, nakatapak ng paa, mga sukat ng paa sa papel. Sumisimbolo sa mga paglalakbay ni Iliac bilang isang masahista at bilang isang anak, ang paglalakbay nya nakaraan at ang paglalakbay sa kasalukuyan at sa hinaharap.





___________________________________________________



THE LGBT COMMUNITY
Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender

Sa bansang PIlipinas, laging hirap matanggap sa lipunan ang mga tomboy, bakla, paminta at ang trans*gender. Hanggang ngayon hirap parin silang magpakita ng kanilang tunay na katauhan, dahil sa lipunang pikit sa katotohanang may mga taong lubos na iba sa karaniwang babae at lalaki. Ang pagtanggap sa mga taong iba ang preference ay makakabuti. Lahat ng tao ay nilikha ng Diyos na iisa. Dapat magmahalan kahit na magkakaiba ng paniniwala sa buhay. Walang dapat ipagsawalang bahala, walang dapat iichapwera at walang dapat binabaliwala. Dahil ang bawat isa ay unique and special made by God.

Yung mga baklang hindi matanggap ng kanilang mga magulang specially their father, itinatakwil minsan sila dahil sa kanilang preference. May mga ilan pa ngang binubugbo ng kanilang ama dahil sa kanilang sexual orientation. Imbis na sila ang unang tumanggap sa anak, kapamilya pa mismo ang nagtatakwil at nagpapahirap sa kanila. Kasi sa buhay ng isang LGBT hindi nawawala ang tukso, mga pangmamata, pang-aasar at panglalait. Imbis na pamilya ang magtatanggol mula sa kaaway, sa mga nang-aapi at nanglalait sila pa ang nagpapahirap.

Minsan nga biktima pa sila ng karahasan, maraming mga bakla ang napapatay. Gusto lang naman nila ng pagmamahal kaya sila ganon, pero sila ang napaparusahan, naghihirap at nagdudusa. Tapos nakakaranas din sila ng discrimination. Ang hirap maging part LGBT kaya nga yung iba mas ginugusto na lang ang manahimik, at saloobin agn kanilang tunay na nararamdaman at pagkatao.

Kung pagninilayang mabuti, maraming issues ang involved pag usapang sexuality. At maraming mga bagay ang dapat isa alang-alang pagdating sa ganitong usapin. At saka hindi naman lahat ng LGBT negative ang dulot, may mabubuti rin naman silang nadudulot sa lipunan. Marami kayang successful na mga bakla. Napapatunayan nila na hindi hadlang ang sexualidad ng isang tao upang magpakatao at umangat sa lipunang ginagalawan.

In the first place hindi naman nila kasalanan ang maging ganoon. Hindi rin biro ang pinagdadaanan nila madalas silang hindi natatrato ng tama. Ang kailangan nila ay ang pantay na pagtingin mula sa pamilya at kapwa, sa lipunang ito dapat pantay-pantay. Acceptance is the key to everything.




Linggo, Setyembre 28, 2014

The Flor Contemplacion Story (1995)

               

MALING MALI TALAGA!









         
                Ang pelikulang ito ay hango sa tunay na buhay ni Flor Contemplacion, isang OFW na nagtrabaho sa Singapore. Inakusahan sya sa pagpatay sa isa pang OFW na domestic helper, si Delia Maga at isang batang Singaporean si Nicholas Huang, ang inaalagaan ni Delia. Ang mga Pilipino ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap para sa pamilya. Lumalayo upang mabigyan lang ng magandang buhay ang pamilya, at nagpapaka alipin. Pero hindi lang basta hirap at pagsasakripisyo, napapahamak pa. Napagbibintangan, at nahahatulan ng kamatayan kahit wala namang kasalanan.

                Pero kapansin-pansin na ang mga Pilipino ay nagkakaisa sa tuwing may problemang kinakaharap. Nagtutulungan, nagkakapit bisig upang mapagtagumpayan ang problemang kinakaharap. Maraming tao ang nakikisimpatya at nagpapakita ng pagmamalasakit. Kahit may problema, marami parin ang tumutulong sa kapwa Pilipino. Sempre sino-sino pa nga ba ang magtutulungan kundi tayo rin mga magkakalahi, patunay na buo ang bansang Pilipinas. Nakikita ang pagkakaisa ng bawat isa.

May mga organization na tumutulong sa katulad ng kaso ni Flor. Concerned sa mga overseas Filipino workers. Katulad ng grupong Migrante International, nagpopokus sa ibat-ibang uri ng problema ng mga OFW. Inaalam nila ang kanilang kalagayan, at sinisigurado ang kanilang kaligtasan. Ang Bagong Alyansang Makabayan, na nagpopokus sa human rights. Gabriela na nagpopokus naman sa  human rightspoverty, globalizationmilitarismviolencehealthsex traffickingcensorship at sempre ang pinaka importante sa kanila ay ang kababaihan. At nariyan din ang iba pang mga organisasyong makakatulong sa problema ni Flor na handing tumulong. Sa buhay ng tao, hindi ka nag-iisa. Maraming taong magmamalasakit sayo kahit hindi mo kamag-anak.

Pero ang nangyayari, kapangyariahan ang namamayani at hindi ang katotohanan. Dahil lang ba may pera at malakas sa gobyerno ay walang ng nagagawa ang mga Pilipino. Ang katotohanan ay nasasawalang bahala dahil sa kapangyarihan. Kapangyariahan vs. katotohanan taob ang katotohan. Walang nagagawa ang simpling tao kung makakabangga ka sa isang konkretong pader. Hindi biro ang iyong makakasagupa. Hindi matitibag ang pader na may katambal na kapangyariahan. Walang hustisya para sa katotokahan, puru nalang kapangyarihan. Sa oras ng ganyang sitwasyon, walang tama o mali, mga makapangyarihan lamang ang nagwawagi. Walang karapatan ang mga mangmang, mabababa at simpleng tao.

Ang mamatay na kasama ang pamilya, yung alam mo sa sarili mo na naging maligaya ka. Napagtagumpayan mo ang mga gusto mo sa buhay. Okay lang na mamatay, kasi alam mo na ang misyong binigay sayo ay napagtagumpayan mo na, pero ang patayin ang isang taong walang kasalanan. Namatay ng wala sa kagustuhan, namatay ng hindi man lang naipagtanggol ang sarili, namatay ng hindi dapat. Mas mabuti pang mamatay sa isang aksidente kaysa ipagtakda ang sariling buhay mo. Wakasan ng wala namang sapat na dahilan. Ang pagtapos sa buhay ng iba, hindi katanggap-tanggap. Ang buhay ng tao ay dapat pahalagahan ng bawat isa. Nagtatrabaho para sa pamilya pero namatay ng walang kasalanan. Hindi makatarungan diba. ./.

Sila na nga itong nagsasakripisyo sila pa yung napaparusahan ng walang kasalanan. Sila na nga itong pinaglilingkuran sila pa tong umaabuso ng mga Pilipino. Sa Pilipinas, patunay na ang mga trabaho ay mailap. Pipiliin pang mapalayo sa pamilya kumita lang. May dapat bang sisishin sa mga pangyayari, marahil nagmula yan sa kawalan ng magandang hanapbuhay dito sa bansa. Walang matinong mapagkikitaan, kaya pinipili ng mga Pilipino ang magtrabaho sa ibang bansa. Kung may roon matinong trabaong mahahanap dito sa bansa, hindi naman sila magsasakripisyo ng ganun. Imbis na ang lakas paggawa ay nasa Pilipinas, binili na ito ng ibang bansa. Kasi walang matinong makukuhang trabaho sa bansang Pilipinas. Nasa ekonomiya ang ikauunlad ng bansa, nasa ekonomiya ang pagtatrabaho. Hindi naman magpapaka alipin ang mga katulad ni Flor sa ibang bansa kung may matinong mapagkikitaan sa Pilipinas.

Ang kahirapan, ang mga squatters area, kakulangan ng sapat na edukasyon, kakulangan ng matinong trabaho, nakanino ba ang problema, problema sa droga? Sa pamamahalan o sa namamahala. Kasi sa tagal na ng gantong sitwasyong kinasasadlakan ng Pilipinas parang wala namang nangyayari. Parang mas lalo lang lumalala. Mas lalong nagiging mahirap para sa ating ang umahon sa lusak ng pagiging kadiring bansa.

Sa yaman ng bansa, bahit hindi kayang linangin? Sa laki ng kinikita ng gobyerno? Asan na ang mga pera? Obvious ba kung nasaan ang problema? Kung tutuusin kaya natin maging angat sa iba. Mapakita sa ibang bansa na kaya rin ng Pilipinas. Pero wala e, nagmumukang kawawang umaasa lang sa tulong ng mga dayuhan. Okay lang ang konti, pa-simple simple kaya nga may United Nations pero wag namang sobra. Tapos nagiging komodeti na ang Pilipinas, imbis na tayo ang luminang ng sariling atin, nagiging produksyon lang ang ating bansa. Nakikinabang sa kakapirot mula sa malalaking kita ng kumpanya. Ang pag unlad ay nasa sitwasyon ng bansa, o sa ekonomiya ng bansa. Wala sa taong naninirahan dito. Sa gobyernong ang sisi ng lahat. Walang progress para sa kalahatan, dahil walang matinong pamamalakad.

Anak (2000)


Longing













Ang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng OFW, si Josie. Nagpunta sa Hong Kong at naiwan ang pamilya, ang kanyang tatlong anak na sina Carla, Michael, at Daday sa asawang si Rudy. Pinili nya ang mahiwalay sa kanilang pamilya upang mabigyan sila ng maayos na buhay, upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Araw-araw tinitiis nya ang hirap na malayo sa mga mahal sa buhay. Hindi nya alam na sa kanyang pag-uwi, hindi na nya kilala ang mga anak lalo na si Carla ang panganay.

Maraming makakarelate sa pelikula dahil sa tema nitong pampamilya. Nagpapakita ito ng tunay na buhay, tunay na sitwasyon kinakaharap ng isang pamilya. Hindi pagkakasundo ng mag-ina, mga sitwasyong hindi mo naman nakasanayan tapos biglang magkakaroon. Mahirap nga malayo sa mahal sa buhay pero may kapalit na tagumpay ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo. May mga pagrerebeldeng nagaganap, pero ang nakakatuwa sa pelikulang ito, hindi na kinailangan ang matinding sex scene, o kung ano pang matititinding eksena sa droga, o karahasan para lang mapatunayan ang pagiging rebelde nya. Ang mga eksenang nabuo ay para makahaplos ng puso ng bawat taong manonood.

Maraming Pilipinong OFW, iniiwan nila ang kanilang pamilya dahil sa pagmamahal. Iniiwan nila dahil gustong makaranas ng maayus na buhay ang pamilya. Nagsasakripisyo at nagpapakaalipin sa ibang bansa para lang kumita ng pera.

Ang magulang ang gumagabay sa kanilang mga anak. Ang mga anak may sariling isip yan. Sa paglaki nila namumulat sila sa katotohanan ‘ako ang magpapatakbo sa buhay ko, ang lahat ng meron ako sa paligid ko ay mga gabay lamang’, by the end of the day desisyon ng isang tao ang magpakabuti o magpakagago. Kahit anong hubog ang gawin ng magukang still ang desisyon ng bata ang mangingibabaw.

Sabi nga ni Karla Estrada ina ni Daniel Padilla desisyon ng bata ang magpakabuti, dahil meron syang sarili nyang desisyon sa buhay, may sarili syang pag-iisip. Tinutukoy nya ay ang anak na si Daniel Padilla. Ako naniniwala ako dun, kahit gaano kaganda ang buhay ng tao minsan pinipili nila ang magpakagago o kaya pinipiling magpababuti at mapunta sa tama.

Si Carla, alam nya sa sarili nya kung ano ang mali, at kung ano ang tama. Ginawa nya yon dahil gusto nya ng atensyon. Atensyon na hindi naibigay sa kanya noon ng kanyang ina na si Josie. Paraan ni Carla ang pagiging rebelde upang maghiganti sa kanyang ina dahil iniwan sya sa oras na kailangan nya ng ina. Iba pa rin kasi ang ina sa ama. Pero hindi naman nawala ang presensya ng kanya ina, lumayo lamang. Naging isang inang nariyan pero malayo, hindi naman sila iniwan. Sya lang yung taong naghahanap ng atensyon. Namulat sya na andun ang presenya ng kanyang ina pero nung lumayo nanibago sya. Ang pagrerebelde ang kanyang naging paraan para maibalik ang ina na kanyang pinagkakagusto gustong makapiling.

“Nothing last forever” – pero ang pagmamahal na meron ang mga magulang hindi mawawala.
“Forever still do exist!” – ang love na meron sa ina at sa anak ay incomparable. Sila yung taong nagmamahal ng walang kapalit.
Hindi matatawaran ang pag-ibig ng ina sa kanyang anak. Ang nag-iisang relasyong hindi mabubuwag ay ang relasyon ng Ina at ng anak. Kahit anong mangyari, ang ina ay ina!

##########
Pero ang ayoko lang, bakit pa sya bumalik sa Hong Kong gayong naging maayos na naman ang lahat sa kanila ng kanyang mga anak. Parang patunay tuloy iyon na ang mga Pilipino ay patuloy na magpapaalipin sa ibang bansa no matter what happened. Magiging alipin ang mga Pilipino sa ibang bansa upang kumita ng pera. Tipong hindi na ba mababago ang sitwayson. Cosmopolitan forever.



_______________________________________________________

What is your wealth? “ANAK”

+HEALTH
            Si Carla, pibayaan nya ang kanyang sarili dahil sa paghahanap nya ng atensyon, dahil sa pagiging rebelde nya. Naging mangigninom sya, nagpakalungo sa droga, nagpabuntis ng ilang beses at pinabayaan ang sarili. Kung tutuusin maswerte sya dahil malamang may ibang taong gustong mapunta sa lugar nya. Mayroon syang malusog na pangangatawan, marami nga dyan na may mga sakit pero hindi nila kagustuhan dahil iyon ay namana nila or something. Pero sya pinabayaan nya lamang ang kanyang sarili, para sa kanyang kagustuhan makahanap ng atensyon. Nagpaka-selfish sya, hindi na nya iniisip na masamang abusuhin ang katawan, dahil ito ay ipinahiram lamang ng Diyos. Dapat nating alagaan at pagkaingatan an gating sarili’t katawan. Health is wealth!

+MONEY
            Si Carla, hindi naman sya hirap sa buhay. Nakakapag-aral, nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Maswerte sya dahil hindi sya hirap sa buhay. Marami nga dyan mga taong walang walang. Nangangalakal para lang makakain, walang matinong trabaho dahil hindi nakapag-aral. May mga taong gustong makapag-aral pero walang pera, hindi makapag aral dahil hirap sa buhay mga kapos sa buhay. Yung iba naman nagtatrabaho mapag-aral lang ang sarili. Hindi naman problema ang pera pero pinangyoyosi nya lang, puru alak, tapos droga. Yung pera ng nanay nya dinadala nya sa mga walang kwentang bagay. Sa buhay ng tao hindi ka mabubuhay kung walang pera, kaya naman dapat alam ang tunay na halaga ng pera.

+FAMILY
            Si Carla maswerte sya kasi kahit namatay ang kanayng Ama, andyan parin ang kanyang Ina. Nagtrabaho sa ibang bansa para mabigyan sila ng maayos na buhay. Inalagaan sila sa pamamagitan ng patatrabaho sa ibang bansa. Kaya nya piniling lumayo ay dahil mahal nya ang kanyang mga nak. May iba nga dyan na walang mga kapatid, walang mga magulang na gumagabay sa kanila. Maswete sya dahil mahal sya ng kanyang pamilya. Kahit namatay ang kanilang ama, andyan naman ang ina upang punan ang mga pagkukulang. Ang kanyang pamilya ang tunay na kayaman na hindi natutumbasan ng pera. Ang pag-ibig, pagmamahal at pa-aaruga na natatamo ng isang tao mula sa kanyang pamilya ay priceless.
Kay sarap mabuhay sa mundo kung may magandang pamilya, yung mababait at masiyahin, magulang na nagmamahal at gumagabay. Sumusuporta sa kung ano mang bagay na makakaginhawa at makakapagbigay ngiti sa kanila.

LOVE LOVE LOVE

Linggo, Setyembre 21, 2014

Virgin Forest 1985

The Virgin Mind






Kwento ng tatlong taong may magkakaiba ng stado sa buhay, nagsama-sama sina Chayong, Alfonsito and Alipio. Napasakamay at naging bihag sila ng mga Amerikano at ilang miyembro ng macabebe. Ang mga macabebe na sumama sa grupo ng mga Americano na naglalayong hulihin si Aguinaldo. Ang mga Americanong nagpapanggap na sila ay kaisa ni Aguinaldo at naglalayong ikalat ang mabuting pamumuno nito. Ngunit iyon ay isa lamang pagkukunwari upang kanilang mabilis na matagpuan si Aguinaldo.

Parang nag-umpisa ang lahat sa pagkukunwari, pinaniwala nila at nauto ang ilang mga Pilipino para maging kanilang tauhan. Nagbitiw ng mga mabubulaklak na salita, nangakong makakakuha sila ng magandang incentives kapag umanib sila, at ng ilang miyembro nga ng Macabebe ay sumapi sa mga Americano upang mahanap ni Aguinaldo. Nauto sila ng mga Americano, konting mga pangako lang ay agad silang naniwala. Parang nilason ang mga sundalo noong panahong iyon na maging taksil, labanan at kitilin ang kapwa. Kulang sila sa kaalaman kaya nabilog ang kanilang ulo ng mga Americano. Hindi nila alam ang maaring maging resulta ng kanilang desisyon. Ginagamit lamang sila ng mga Americano upang mapadali ang kanilang misyon. Hindi mahalaga ang pagiging taksil kung pera na ang usapan. Basta nahainan na kwarta sunod agad.

“Walang ginagamit kung walang magpapagamit”

Yun nga lang naging biktima ang mga Pilipino ng pagiging mangmang at pagigiging utu-uto kaya sila nagamit ng hindi sila aware. Naging sunod-sunuran at naniwala sa mga mapagpanggap na mga Americano. Ginagamit sila ng mga Americano dahil may nabebenefit sila dito. Hindi naman alam ng mga Pilipino na any moment pwede silang patayin ng mga yun kapag hindi sila sumunod, hindi nila alam na sila ang lubos na kawawa sa ganoong set up.

Maging madunong ka man sa ibang bagay mas lalo kang napapahamak. Kung mas marami kang alam, mas delikado ang iyong buhay. Ang kaalaman mo mismo ang maaring magpahamak sayo, pero dahil ikaw ay madunong kaya mong solusyunan ang iyong kinasadlakan. Maari kang magplano kung paano mo iwawaksi ang kagaguhan ng iba. Katulad ni Alfonsito. Dahil sya ay may kakayahang makaintindi ng English, nakasama yun sa kanya, nahirapan sya ng ilang araw sa pagtatago sa mga Americano.

            Sa kasalukuyang panahon, ang mga dayuhang hilig dayuhin ang bansang Pilipinas. Magpapanggap na maraming maitutulong, ang mga Pilipino naman maniniwala. Dahil sila ang may utak ginagamit nila ang mga Pilipino, nagiging utu-uto naman ang mga Pilipino. Nagmumukang mangmang, nilalason lamang ang isipan, ginagawang tuta at sunod sunuran. Hindi makabuo ng sariling desisyon dahil sa nilalason na ng pagiging mangmang. Tapos nagiging pala-asa pa sa ibang bansa. Kunyaring tutulungan pero sinasakop lang naman.

Katulad ng ginawa ng America, sabi tutulungan daw sa paglaban sa China dahil pilit inaankin ang ilang isla ng Pilipinas. Ang Pilipinas, hindi tumangi, pero hindi nyo alam sa panahon ngayon ang pagtulong ay laging may kapalit. Just watch out.

Tapos yung na-raid na shabu laboratory sa Pampanga, mahigit 1,100 kilo ng shabu ang kuha na aabot sa P7 billion.  Pinatatakbo ng mga dayuhan, ng mga Chinese na ginagamit ang bansang Pilipinas upang dito makapag produce ng maraming droga, ginagamit ang mga Pilipino upang mapakalat ang mga droga sa bansa. At ang mga drogang nasabat ay ini-export din sa ibang bansa. Sa laki ng shabu laboratory na na-raid, sinasabing aabot ang dami ng nakuha ay kasing dami ng shabu na nakukuha nila sa loob ng isang taon. Ang mga Pilipino ay nagiging biktima sa sariling bansa ng mga dayuhan.

Tapos nng ilang mayayaman dito sa Pilipinas, mga ibang lahi rin, katulad nila Henry Sy may-ari ng SM, Lucio Tan may ari ng Philippines Airlines, tapos si Paris Hilton, nagpatayo ng Hotel na akala mong nasa ibang bansa, halatang mayayaman lang ang nakaka afford. Mga dayuhan ang laging may mga business at ang mga Pilipino ay nagiging kamay lamang ng mga dayuhan sa kanilang mga mithiin.

Ano pa bang bago.?


            [Hindi ko alam pero parang paulit-ulit lang ung sinasabi, sorry di ko nabuo ng maayos]

Sabado, Setyembre 20, 2014

CURACHA ANG BABAENG WALANG PAHINGA (1998)

PILIPINAS

Ang Bansang Hindi Makapag-isa








         Si Curacha, isang torero, babaeng nakikipagtalik habang pinapanoond ng mga tao. Isa rin syang prostitute o babaeng nagbebenta ng katawan. Maraming lalaki na ang gumamit sa kanyang katawan, marami nang pumasok sa kanyang katawan at maraming tao na ang nakakita ng  kanyang katawan. Wala syang pakialam kung anong nangyayari sa paligid nya, walang pakialam sa sarili nya at wala syang takot mamatay ng maaga.

Habang patuloy ang coup d'etat laban kay Marcos, ipinapakita sa pelikula na kahit may problema ang Pilipinas may mga taong walang pakialam sa stado ng bansa. Hindi iniintindi kung anong pweding kahinatnat ng kanyang buhay. Walang pakialam kung anong mangyari sa bansang kanyang ginagalawan. Ipinapakita dito na bukod sa gulo ng bansa, hindi nawawala ang  mga problema sa prostetusyon at droga. Ang trabahong umulan bumagyo, ayus lang, magkagera magkagulo, tuloy lang. Ang nangyayari sa dilim, sa mga eskinita, ang mga problemang umusbong na hindi na maalis sa kulturang Pilipino at mas lalo pang lumalala sa kasalukuyan.

Ang bansang Pilipinas, ay parang si Curacha. Si Curacha transparent ang lahat katulad ng kanyang bag. Pinasok na ng kung ano ano at ginamit ng kung sino sino ang katawan. Walang pakialam kahit kanino nalang sya makipag siping. Si Curacha na walang pakialam sa bansa, wala rin pakialam sa sarili kung gaano na kababoy ang narating ng kanyang katawan. Ang Pilipinas ay bansang nagpapatianod lang sa dagsa ng mga kalapit bansa. Parang Pilipinas, walang paki alam kung sino man ang gusto sumakop kasi wala namang silang magagawa, kung nabuo ang bansa ng sinasakop malamang kinasanayan nalang ang pagsakop. Walang pakialam kung may dumating mang ibang kultura sa bansa, at walang pakialam kung paano sila nito mamanipulahin.

Si Curacha, nagpunta sa simbahan nagdasal. Nakakita sya ng liwanag, maputing liwanag na hudyat na pwede naman nyang maituwid ang kanyang sarili, at magkaroon ng direksyon ang buhay. Ang bansa ay makakakita pa ng puting liwanag, pero parang ang nakita mga puting tao. Mga kanong makakasama at makakatuwang, hindi bibitawan dahil napamahal na ang bansang America sa bansang Pilipinas.

Katulad ng nasabi ni Curacha “Naramdaman ko, gusto kong makita ang bestfriend kong si Myra, sya lang ang nakakaintindi sakin.” Patunay na kahit wala syang pakialam sa lahat, hindi man sya takot mamatay, gusto nya parin ang may katuwang, kasi nga “No man is an island”. Kahit na sabihing ni Curacha wala syang paki alam sa lahat ng nangyayari sa bansa. Hindi nya parin kaya ng mag-isa, nagiging masaya sya kapag andyan si Myra. Ang kanyang kaibigan, sinabi nya na “Kahit hindi mo sabihin gagawin ko yun dahil mahal kita.”  

Si Myra binibigyan ni Curacha ng importansya kasi sya lang ang nakakaintindi sa kanya, parang sya lang ang kakampi nya. Parang ang bansang Pilipinas, andyang ang bansang America, patuloy na niyayakap dahil may naitutulong sa bansa. Pinababayaan lang nito na basta basta na pumapasok ang ibat ibat kultura ng ibang bansa. Umaasa ang bansa sa America, sa bawat pagtulong ng Amerika, halatang katuwang ng Pilipinas ang America sa bawat nitong kibot. Kahit na sabihin nitong wala syang pakialam sa mga sumasakop dito, kahit na nagiging transparent ang lahat ng meron ang Pilipinas umaasa parin sila sa iba.

Patuloy man ang pagsakop ng ibang bansa sa Pilipinas mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pag-asang makakaya ng bansa ang mag-isa. Magiging malakas din ang Pinas at balang araw magiging independent katulad ng ibang bansa. Magpatuloy man ang sakupan at ang pag-asa sa iba o hindi.


Oro, Plata, Mata (1982) (Gold, Silver, Death)



IPINANGANAK KA MANG MAHIRAP O MAYAMAN, 

PANTAY-PANTAY PARIN TAYONG NASA LIPUNAN






Oro/Gold, ay nagrerepresenta sa buhay ng Ojeda at Lorenzo. Marangya, nabubuhay sa yaman at salapi, at mga pag-aari na hindi mabilang bilang. Sila ay mayayaman, mahilig sa mga susyalan, mahilig magdiwang, mga okasyon, nagkakaroon ng magarbong salo-salo. Puro pagsasaya, laging magagarbo ang mga kasuotan, may mga masasarap na pagkain, mga tugtugan at sayawan. Tapos iimbitahan ang kapwa mayaman, upang ano? Pag-usapan ang kanya kanyang yaman. Sa buhay nila tila ang problema ay umiikot lang sa pera at negosyo, mga payabangan ng lupa basta tungkol lahat sa ari-arian walang nagpapahuli at nagpapalamang.

Piano – ang intrumento ng mga mayayaman. Ang susyal kaya kapag marunong ka mag-piano. Tapos yung mga mayayaman noong unang panahon (panahon pa ng hapon wala pang kikay sabi ng nanay.. choss HAHA) nagkakaroon pa ng piano lesson para lang matuto. Ang lakas kaya makayaman ng piano.

Madhjong - ang sugal ng mga mayayaman. Karaniwang naglalaro ng madhjong ang mga mayayaman.

Sinyora Biring - Yung tipong kahit butong pakwan ipapabukas pa sa iba para lang hindi na mahirapan sa pagkain. Napaka halaga sa kanya ng mga alahas, bitbit nya ito kahit saan man sya magpunta. Hindi nya isusuko, kaya naman pinutol pa ang kanyang daliri para lang makuha ang kanyang mga singsing.
Yaya Tating – may sarili pang tagapag-alaga ang mga bata, talaga nga namang kay susyal.

May nabasa lang ako, blogger din sya at sabi daw ng high school teacher nya sa panahon daw ngayon politically speaking wala na daw middle class maari kang mabilang sa upper group or dun sa mga marginalized sector sa ating society. Kung mayaman ka dun ka nabibilang sa upper group, malang kapag hindi dun ka sa marginalized sector.

Upper Group
Mga elitista, ano nga kaya ng feeling ng isang elitista. Yung gigising ka sa umaga na handa na ang breakfast, hindi mo pinoproblema kung anong kakainin kasi nakahain na ito sayo. Air-con sa loob ng bahay. Maraming bagong gadgets, mabibili mo kung ano ang gusto mo, hindi namomoroblema na wala ng pera. Nakapag-aral sa kilalang Unibersidad, kayang magtravel abroad. Myroon kayong mga gamit o mga apliances na mga mamamahain.

Ang mga mayayaman mahilig mag-English. Ang mga kasootan ay mga pangsusyalan lagi, kaniwang may mga sports na pang mayaman katulad ng golf, fencing, hacky at iba pa. Tapos sila na nga itong mayayaman, sila pa tong magaganda o gwapo. Kung isa ka sa mga elitista? Maswerte ka! Isa ka sa pinagpalang taong ipinanganak na may gintong kutsara s bibig.

Plata/Silver, dahil sa World War II, namuhay sina Ojeda at Lorenzo family ng malayo sa nakasanayan, nagtago upang hindi mahuli ng mga hapon. Maraming sakripisyo at paghihirap ang naganap, mula sa pagiging mayamang mayaman at marangyang buhay sa mansyon. Pumunta sila sa bundok at sa magubat na lugar namuhay kasama parin ang mga kasambahay at trabahador. Namuhay ng payak, ngunit maya pangamba Hindi na sila sanay ng walang mga utusan, walang magluluto para sa kanila, karaniwan kasi sa mga kibot nila sa mga kasambahay nila inaasa. Malamang mahihirapan silang mabuhay ng wala yun.

Nung napunta sila sa kagubatan at kabundukan, nabilang sila sa Marginalized Sector sila ung mga normal na taong nagtatrabaho para mapakain ang kanilang pamilya. May normal na pamumuhay, na hindi gaanong napagtutuunan ng pansin. Dahil sa normal na buhay lang ang meron sila. Parang naging self-employed sila.


Death, nauwi ang lahat sa marahas na patayan. Naging kalunos-lunos ang kanilang dinanas. Sinugod sila ng mga gerilya, pinagpapatay ang mga katiwala. Naging masalimuot ang lahat, kinuhanan sila ng mga armas, pagkain, mga alahas, lahat ng mga mapakikinabangan ay inangkin ng mga gerilya. Hindi man sila pinatay ng mga hapon na kanilang sadyang pinagtataguan, mismong mga kapwa Pilipino ang gumawa ng masama sa kanila. Nabuo ang grupo ng mga gerilya upang labanan ang mga hapones. Pero ang nangyari ay nag-ugat para lang makapaghiganti sa mga matapobreng mayayaman.

Ipinapakita na sa anumang sakuna o giyera mayaman man o mahirap, nagiging pantay-pantay ang mga tao. Dahil lahat sila ay nagiging walang-wala. Parang yung mga nangyari sa Tacloban noong sinalanta sila ng bagyong Yolanda. Mayaman man o mahirap lahat sila ay namatayan, lahat sila nagiba ang bahay, ang mga pag-aari at ang mga pinaghirapang ipundar ay naglahong parang bula, at walang naisalba ni kahit ano.




Ano ba talaga?
Ang mga kabataan noong unang panahon sabi kapag nahalikan lang diba dapat ipakasal na agad. Masyadong konserbatibo ang mga kabataan noong dahil ang aking nalalaman kwento. Pero sa napanood ko, aba teka ang mga kabataan noon na-expose lang sandali gusto na agad ma-experience. Tapos sabi naman kapag daw virgin ka pa nakakahiya. Iba ang kwento ng nakatatanda sa kwento ng pelikula, parang hindi pala iba ang kabataan noon sa kabataan ngayon. Mahilig din mag-explore.

Sabi ng prof po naming sa ethics, once na na-expose ang isang tao it became habitual. Kaya nung na expose, na- curious at na- experience ni Trining yon ginawa na nya ng madalas. Parang panonood din siguro ng mga porn. If you started watching it, it will become habitual, parang hahanap hanapin mo na.