Martes, Hulyo 22, 2014

Relasyon (1982)

Ang Relasyon na may Koneksyon



    
     Umikot ang istorya sa kwento ng magkarelasyong sina Marilou (Vilma Santos) at Emil (Christopher De Leon). Pero ito ay hindi ordinaryo o basta bastang relasyon, ito ay kwento nina Lou isang tipikal na dalagang biktima ng pag-ibig na wagas na lubos na nagmamahal kay Emil isang pamilyadong lalaki. Hinid lingid sa kaalaman ni Marilou ang sitwasyon nya bilang isang kabit, kahit ang mga magulang nya ay alam iyon. Bagamat pinipigilan sya ng kanyang ama na makipagrelasyon sa isang pamilyadong lalaki, halatang nasa kanya parin ang suporta ng pamilya sa mga desisyon. Andun ang pagtitiwala ng mga magulang lalu na ang kanyang ina. Andun ang kalayaang piliin ang taong gusto nyang makasama sa buhay. Nagkikita sila ng palihim, nagkakaroon ng mga nakaw na sandal at mga pagtatalik na mali kung iisipin.

“Hindi magkasya ang buong araw sa pagkainlove ko sayo.” – Marilou. Ilang kataga na binitiwan ng bida para sa kanayng karelasyon. Sa pag-ibig makikitang kahit anong hadlang ay hindi uurungan makasama lamang ang pinakamamahal. Ibibigay ang lahat ng meron sya wag lamang mawala ang minamahal, maraming pagsasakrispisyo at paghihirap, maraming isusuko at tatalikuran. Yan ang tunay na pag-ibig, ngunit kapag sumobra martir ang labas ng taong lubos na nagmamahal. Sya ay nagbubulag-bulagan sa katotohanang may asawa si Emil. Pilit syang kumakapit sa kanyang pag-ibig, sa pagmamahalang magkakaroon ng magandang ending. At ipinapakita ng pelikula na kung may karelasyon kang may asawa pasok ka pa rin sa lipunan, katanggap tanggap pa yan. Ang mga taong nakapaligid sa kanya bagamat may mga ilang tumututol mas marami parin ang pinababayaan at hinayaan ang ganyang sitwasyon. Kasi pati ang mga kaibigan ni Marilou ay kapwa kapareho ng kanyang sitawasyon. Walang kasalanang mortal na tinatawag, dahil sa pag-ibig ika nga nila “no rules”.

                Sa patuloy nilang pagrerelasyon, humiwalay ang asawa ni Emil na si Dorothy at pumunta sa probinsya. Malamang kailangang nya ng space upang magmuni-muni sa dami ng problemang kinakaharap.  Dahilan na rin ng mga pagkukulang ni Emil, kaya minabuti ni Dorothy na magpakalayo-layo. Doon nagkaroon si Emil at Marilou ng pagkakataon upang magsama. Nangupahan at nagsama ng parang tunay na mag-asa. Kitang-kita ang galak ni Marilou sa mga pangyayari. Humingi sya ng payo sa kanyang tiyuhing abugado na kung paano nga ba nila masusulusyonan ang kanilang kinakaharap.

“Uncle kasi inlove ako sa lalaking may asawa. May posibilidad kaya na mapawalang bisa ang kasla nila.?” – Marilou. Nagmahal sya sa taong may asawa, gusto nyang maikasal katulad ng ibang mga babae. Dahil bawat babae ay nangangarap magsuot ng trahedeboda at makipagsumpaan kasama ang pinakamamahal sa harap ng panginoon na magsasama ng tapat at maluwalhati. Gusto nya na madala ang epilyido ni Emil, at magkaroon ng legal na karapatan. Gusto nya ng pamilya na matatawag na buo, pero hindi iyon mangyayari.

Doon pilit pinaparinig ng pelikula na sa Pilipinas dapat may Divorce, kung saan agarang makapaghihiwalay ang mga mag-asawang may problema. Dahil sa dami ng mga ganyang sitwasyon mabuting mayroon din yan sa Pilipinas. Maraming tao ang nagkakamali at maraming tao ang nagsu-suffer. Halimbawa na lang ng mga binubugbog ng kanilang mga asawa. Wala ba silang karapatang makipaghiwalay at magkaroon ng laya? Ang mayroon lamang sa Plipinas ay annulment kung saan maraming prosesong dapat daanan, maraming dahilan ang dapat maipakita at maraming oras at panahon ang gugugulin. Mayroon din naman na ligal separation kung saan mapapawalang bisa ang kasal ngunit hindi na pwdeng ikasal pa sa iba . Sa buhay ng tao normal ang matahak ang maling desisyon, ang matahak ang maling relasyon.

Sa patuloy ng kanilang pasasama sa iisang bubong, unti-unitng nakilala ni Marilou ang tunay na ugali ni Emil. “Ang hirap dito sa relasyon natin, puro ikaw ang nasusunod, kung saan tayo pupunta, kung anong oras tayo aalis, kung anong kakainin natin, kung anong isusuot ko sa lahat ng oras, ako naman sunod ng sunod parang torpeng tango ng tango yes master yes master!” – Marilou Sa bawat katagang yang, masasabi kong kung sa society ipinapakita na lalaki parin ang may kapangyariahan, nasa kanila ang desiyon, sila ang masususnod, sila ang tama. Parang kung sa isang pamumuno ng bansa, lalaki ang dapat na ruler, they are the leader, no equality.  Ipinapakita na lalaki paring ang magdedecide para sa lahat.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento