Martes, Hulyo 22, 2014

Tiktik: The Aswang Chronicles

Ang Bulaklak sa Tiktik






Nag umpisa ang kwento nang puntahan ni Makoy (na ginagampanan ni Dingdong Dantes) ang kanyang girlfriend sa probinsya na si (Lovie Poe bilang) Sonia. Humihingi si Makoy ng pangalawang pagkakataon kay Sonia upang silay muling magkabalikan, ngunit pinaalis lamang sya. Pero hindi sya nawalan ng pag-asa. Sumama sya kay Nestor ama ni Sonia (na ginagampanan ni Joey Marquez) na pumunta sa palengke, mamimili para sa kaarawan ni Sonia. Sa palengke, umagaw ng aking pansin ang bulaklak na nakita ni Makoy. Agad nya itong binili para magsilbing regalo or peace offering para kay Sonia.

Ang bulaklak ay isa sa pinakamagandang bagay na nilikha ng Diyos. Marami itong kapakinabagan sa ating kapaligiran. Sa isang halaman, bulaklak ang isa sa dahilan upang sila ay dumami. Ito rin ay nagbibigay kulay sa ating daigdig. At lubos itong kinagigiliwan ng nakararami.

Ngayon ang bulaklak na binili ni Makoy para kay Sonia ay hindi lang basta regalo, ang bulaklak ay sumisimbolo ng pag-papakita ng pagmamahal o importansya sa isang tao. Alam ni Makoy na matutuwa ang kanyang pinaka mamahal kung sya ay makatanggap ng bulaklak kahit hindi nya maipahayag o maipahiwatig. Pinapakita nito ang makulay na pag-ibig ng isang lalaki sa isang babae. Ipinapakita na ang bulaklak ang muling mag-uugnay sa dalawang pusong may alitan, pagbibigay pag-asa sa pag-ibig ng dalawang bida

Sa kabilang banda, ang paglabas ng bulaklak sa eksena ay nakadagdag kulay sa ambiance. Mula sa tila madilim at mukang punong puno ng problemang lugar, nagkaroon ng kulay ang paligid nang sumilay ang bulaklak na tila nagbigay pahiwatig ng kaliwanangan. Kaliwanagan na kahit ano mang pagsubok ang dumating ay may liwanag na magsasabig walang problemang dapat sukuan. Magsisilbing pag-asa na kahit ano mang pagsubok ang harapin ay makakaya at malalampasan din iyon.

Nang ilagay ni Makoy ang bulaklak sa kanyang bulsa, hawak nya ang liwanag, pag-asa at pag-ibig. Haggang sa dumating ang hamon sa istorya, ang pagdating ng mga tiktik sa tahanan nila Sonia. Kahit anong hirap at pagsubok, mga laban at pakikisagupa sa mga tiktik hindi nalaglag o natanggal ang bulaklak sa bulsa ni Makoy. Ibigsabihin may liwanag pang masisilayan pagdatig ng kinabukasan kaya hindi dapat mangamba. May pag-asa kaya dapat lumaban, hindi dapat panghinaan ng loob. Mapagtatagumpayan ang bawat hamon na kanilang kahaharapin. At pag-ibig na dapat mamayani upang mas tumibay ang maging malakas ang bawat isa. Katulad sa realidad, kailangan natin isaalang-alang na ang problema ay may solusyon kung wala man, malamang yan ay may dahilan at Diyos ang nakakaalm ng lahat. Sa buhay ng tao hindi tayo dapat sumusuko sa anumang laban. Gawin ang lahat upang manalo, at mapatunayang kaya mo natin ang lahat.

Sa huli iniabot ni Makoy ang bulaklak kay Sonia kahit ito ay lanta na. Ang bulaklak na sinubok ng pagkakataon ay buhay at hindi nawala ang matingkad na kulay. Sumisimbolong tapos na ang problema wala ng mangyayaring masama at hanggang sa wakas tuloy ang pag-ibig na kanilang sinimulan.


Sa buhay ng tao makakaranas ka ng sakit, pighati at paghihirap. May mga pagsubok na iisipin mo walang solusyon, mga pagsubok na walang katapusan, at mga pagsubok na walang makakatulong. Yung tipong mas pipiliin mo nalang ang sumuko at wag na ipagpatuloy ang buhay. Pero ang pagsubok ay may aral na dapat mapagtagumpayan. Aral na makakamit kapag ipinagpatuloy ang buhay. Aral na maabot kapag naniwala sa katotohan at paninindigan kayang malampasan ang problema. Nakita ko na ang ang bulaklak ang nagsisilbing liwanag, pag-asa at pag-ibig na kahit hindi kapansin-pansin ay nagkaroon ng malaking parte sa istorya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento