Ano ba ang Mayroon
sa Nakaraan?
Ang Genghis Khan (1950) ay mula
sa direksyon at panulat ni Manuel Conde na sya ring bida sa nasabing pelikula.
Ito ay kwento ng kompitisyon, pakikidigma, pananakop, pamumuno, kwento ng
pamilya, at kwento ng pag-ibig. Isang lumang pelikulang maituturing na kayaman
sa industriya ng sining. Antique ito na dapat pag-ingatan. Kung sa kasalukuyang
panahon boring at nakakaantok ang pelikula, ngunit naging kaaliw-aliw ang ilan
sa mga eksena dahil sa mga kakatwang karakter na nagbigay buhay sa pelikula. Kapansin
pansin ang mga nakakatuwang galaw, facial expressions, kanilang mga bihis, at
mga kilay at bigote. Ang mga bagay na nagdagdag saya habang akoy nanonood.
Batay
sa aking mga nabasa isang matalino at magaling na director si Manuel Conde. Sya
ay madiskarte, mula sa maliit na budget nakalikha sya ng ganto kagandang
pelikula. Na kauna-unahang pelikulang Filipino na
naimbitahan sa isang international film festival, noong 1952 sa Venice
International Film Festival. Naging resourceful sya, ginamit nya ang mga
alternatibong bagay na posibleng ipamalit at ipangtawid sa mga eksena.
Maihahalintulad ko si Manuel Conde sa karakter ni Temujin/Genghis Khan na
ginampanan rin ni Conde.
Sa
umpisa ng kwento nagkaroon ng paligsahan, kung sino man ang magwawagi ay syang
mamumuno. Sa unang pagsubok, hirap si Temujin itulak ang bato papunta sa finish
line. Ibinigay nya ang buong lakas sa pagtulak ngunit sya’y bigo. Pero nakaisip
sya ng paraan, gumawa ng parang riles upang maging daan ng bato para madaling
mapagdausdusan at agad makarating sa finish line. Sa ganoong paraan nanalo sya
sa unang pagsubok. Sa pangalawa’t huling pagsubok, natalo nya ang mga kalaban
sa pamamagitan ng kanyang lakas. Ngunit sa huli dalawa na lamang silang natira,
isang matikas at malakas na lalaki, mahirap kalabanin at tibagin. Pero dahil sa
kanyang katalinuhan at paraan natalo nya ang malahiganting lalaki gamit ang
pangingiliti. Isang patunay na ang lakas ay hindi sagot sa lahat ng
kompitisyon, talino at diskarte ang makaktulong.
SA AKING PAGBASA…
Pero
naisip ko lang, invading others property and invading others country, laganap yan
sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Noon sa panahon ng mga datu, uso na ang
pananakop at pakikipagdigma para ari-arian. Hanggang sa panahon ng mga Hapon,
panahon ng mga Kastila at ang pananakop ng mga Americano. Sila’y mga bansang
pilit ipinasailalim ang bansang Pilipinas sa kanilang pamumuno. Pilit minanipula
para sa kanilang sariling kapakinabangan. Inalipin at inalila ng mga polisiyang
pinatupad sa bansa. Sa paglipas ng panahon napagtagumpayan ng mga Pilipino ang
hirap at parusa, mga karahasan at panankop. May mga bagay talaga na hindi na
mababago pa sa paglipas ng panahon.
Hindi
nawala ang naumpisahang kaugalian sa bansa kahit na nasa kasalukuyang panahon
na tayo. Ang pananakop ay patuloy parin, hindi karahasan ang kanilang pinaiiral
but in other form. Ang mga produktong pumaiibabaw sa bansa, mga produktong
tinatangkilik ng mga Pilipino, ay ang mga produktong nagmula pa sa ibang bansa.
Ang ibang bansa ay may mga produktong namumutawi
sa bawat tahanan, mga produktong ginagamit ng mga tao. Isang patunay na
hanggang sa kasalukuyan ay sinasakop parin tayo ng ibang bansa. At ito ay hindi
mabubura sa kulturang Pilipino. Nabuhay tayo sa panahong andyan ang mga yan, at
mawawala tayo na adyan parin ang bakas ng ibang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento