Martes, Agosto 5, 2014

Jose Rizal (1998)

RIZAL ANG NAG-IISANG DANGAL




Sa laki ng ginasto para lamang sa pelikulang ito, hindi naman kataka-taka na makabuo sila ng ganto kagandang Obra Maestro. Kamangha-manghang naihatid nila ang aking isipan sa mismong lokasyon ng mga pangyayari, ang imahinasyong mayroon ako ay napadpad sa sinaunang panahon. Nabuo ang pelikula mula sa tamang rekado at tamang timpla ng mga sagkap. Ang mga linya, ang musika at tunog, disenyong pamproduksyon, sinematograpiya, at ang pagganap ng mga karakter, ang bumuo sa epikong pelikula.

Hindi ko marahil makakalimutan ang bawat linya at katagang ibinato ng mga karakter. Ito ay may laman, malalim, may saysay, at may ibig sabihin. At sa bawat katagang binibitawan ay mauulinigan at ipinahihiwatig ang katotohanan. Mga linyang tatatak sa isip ng indibidwal. Itinatambad sa bawat kataga ang katotohanang dapat maunawan ng bawat isa.

Ito ay pelikulang hindi maikukumpara sa kung anong pelikula sa merkado. Ang mensahe nito’y walang katumbas. Ang buhay ni Rizal ay hindi lang dapat pag-aralan, isa itong maganda halimbawa ng tamang paggamit ng sining kung saan ang tunay na mensahe para sa bansa ay naisa pelikula. Isang pelikulang nagpakita at nagpabalik ng mga alaala  ng nakalipas. Mga alaalang masalimoot kung tutuusin ngunit mga pangyayaring hindi dapat kalimutan. Nakaaraang dapat ipagmalaki dahil kahit mahirap ay nalampasan at napagtagumpayang makalaya ng bansang Pilipinas sa kamay ng mga hayop na Kastila.

Ang lintik na Cancer ng lipunan. Ang simbahan akalang doon makakamit ang paghilom na minimithi, pero mga panlilinlang ang namumutawi.  At ang gobyernong walang maasahang tama kundi pasakit ang dulot, ito ang mundong ginagalawan ng mga taong masahol pa sa dimonyo, itinuturing ang mga sarili na tama at walang kamalian. Ayy t*ng*n* diba..

Nangunguna ang simbahang akala mong doon makakamit ang lunas pero binubulag ng mga kasinungalingan ng prayle. Sa mga salitang akala mong may kapararakan pero mga katagang walang kwenta. Ang kahayupang pambabababoy sa mga kababaihan Pilipina ng mga prayle ay hindi makatarungan. Ngunit kahit ganoon may ilang parin ang naniniwala at nananampalataya. Sa kinang ng mga katagang bumabalot sa mga prayle ay mga mga binging mga Pilipino na walang tamang naririnig. Mga pilipinong may mga bulag na matang hindi maimulat mulat sa katotohanan.

Walang kayang magtambad ng katotohanan laban sa gobyernong mapang api, kaya ginawa ni Rizal ang lahat sa abot ng kanyang makakaya. Hawak ng gobyerno ang kapangyarihan, at lubos nila iyong inabuso. Sila mismo ang nagpapakita ng pagka brutal at hindi pagkakapantay pantay. Mapang-api, mga nangangamkam, magnanakaw, mga nang-alipusta, at ang katamaran, mga uagaling namana ng mga Pilipino sa mga Kastila. Kaya walang dapat sisihin kundi ang mga kastila ang mga tao sa kasalukuyan kung bakit ganto ang sistema at ugaling namumutawi meron sa bansang Pilipinas. Ang gobyerno noon ang nagturo sa mga Pilipino kung pano maging tunay na masama. Kaya sa kasalukuyang panahon, nagkalat ang mga taong magnanakaw, tamad at nang-aalipusta. Mula sa ugat(Kastila), nakuha ng mga Pilipino ang ugaling mali sa lipunan.

SI JOSE RIZAL AY ISANG…
Pluma/ballpen ..  ginagamitan ng isang indibwal upang sumulat. Ito’y isang kasangkapan upang maipahayag ang nais iparating sa iba na hindi kayang sabihin ng dila at bibig. Si Rizal ay maihahalintulad ko sa isang ballpen/pluma, mula sa kanyang kuya Paciano na ginamit at kinasangkapan si Rizal upang maipahayag ang nais nyang mangyari sa bansa. Si Paciano ang utak at ulo ng lahat. Nagpatianod si Rizal sa nais ni Paciano at kalauna’y kumilos mag-isa upang maipagpatuloy ang mithiin. Ang itim na tintang kaakibat ng pluma/ballpen ay ang poot at galit ni Rizal. Kalakip ang pagnanais na makamit ang kapayapaan, makamtan ang katahimikan at makagawa ng solusyon para sa problemang kinakaharap ng bansa. Ballpen/pluma ang naging sandata ni Rizal sa laban.

Alak/Wine... ito ay isang klase ng inuming inihahain sa hapagkainan, karaniwan kapag may mahalagang okasyon, piging o salo-salo. Ayon sa aking nagpag-alaman, ang alak/wine ay nagbibigay ng galak at buhay, ito rin ay simbolo ng kaligayahan, at kasaganaan. Tumutukoy ang alak sa pagkakaibigan at ugnayan sa iba. Nagbibigay ito ng pagkakaisa at higit pa ito sa pagpawi ng uhaw.  Kalulad ni Rizal, isang mamamayang may mithiin. Nais nyang makamtan ang kaligayahan ng bansa, kasaganahan, at tamang sangkap  ng pagkakaisa. Pilit iwinawaksi ang maling pamumuno. Mga bansang sumakop sa bansa ang inaasahang magiging kaibigan ngunit pasakit ang dulot. Pilit umaasa humihingi ng tamang pagtrato at hindi pang-aalipusta at pananakit. Ninanais nyang magkaroon ng maayos na ugnayan ang Pilipinas at Espanya, magkaroon ng pantay na karapatan, at ng pagkakaisa.

Ang alak/wine ay isang likidong humuhulma sa kung saang bote o baso pa man ilagay. Katulad ni Rizal, ang abilidad nya ay talaga namang kamangha-mangha. Ang angking talino ay hindi mapapantayan, na kahit na sa anong larangan mapatapat ay kaysimpli nya lang natututunan. Sa bawat bansang kanyang pinupuntahan, agad syang nakakapamuhay ng matiwasay at agad nyang napag-aaralan ang mga liguwaheng naririnig.

Gamu-gamo… ito ay isang insektong mahilig sa liwanag. Katulad ng  anekdota ni Rizal sa akda, ang gamu-gamo ay kwento ng insektong gamu-gamo na matigas ang ulo, hinid nakinig sa bilin ng ina para sa sariling kaligtasan. Lumapit sya sa apoy, nasunog at namatay.  Si Rizal ay isang gamo-gamo, kahit na maraming hadlang, maraming taong pumupigil sa kanya na kalabanin ang gobyerno at simbahan ay hindi sya nagpapigil. Pinanindigan nya ang lahat, at sa bandang huli napahamak sya. Nagging matigas ang ulo, namatay katulad ng gamo-gamo. Hindi nakinig sa karamihan, ipinilit ang gusto pero ang pagkamatay nya ay masasabing “worth dying for!”. Ang katapangang ipinamalas nya ay nagmarka at nakapagpalaya sa hirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento