Martes, Hulyo 22, 2014

Scorpio Nights 1 (1985)

Mga Gabi ng Gapangan



Umikot ang kwento sa maraming gabi ng panggagapang, gabi ng mga scorpion, gabi ng madudumi at makakating pusa, at gabi ng mga nakaw na kantutan. Si Danny (na ginampanan ni Daniel Fernando) ay isang disenteng lalaking sa umaga, pero pagdating sa gabi libog ang pinapairal. Matagal na syang may pagnanasa sa asawa ng guard (na ginampanan ni Anna Marie Gutierrez). Silang mag-asawa ay nangungupahan sa ikawalang palapag ng bahay na kanya ring inuupahan. (Ang guard naman ay ginampanan ni Orestes Ojeda)

Sakabay ng pagwawala at pag-iingay ng mga pusa, ay ang unang pagtatalik sa pelikula. Ang pagtatalik ng mag-asawa. Ang ganoong klaseng ingay na nililikha ng mga pusa habang nagtatalik ang mag-asawa ay nagpapahiwatig ng sex. Naghahanap ang babaeng pusa ng lalaking kakantot sa kanila. At sa isang pelikula ang sex ang nagpapakita na ang lipunan ay may sakit.

Si Danny kasama ang kapya nya istudyante madalas nilang silipin at busohan ang mag-asawa habang nagse-sex. Umalis ang mga kaibigan ni Danny at umuwi ng probinsya. Ngayon, isang gabi nagkaroon sya ng pagkakataon upang subukang gapangin ang asawa ng guard. Nagpanggap si Danny na sya ang asawa ng babae. Sa bawat kilos nya halatang may takot pero pinagpatuloy nya parin at nagustohan ang nangyari. Dahil doon nasundan pa iyon at sa pangalawang pagkakataon dumilat ang babae at nagkaroon sila ng matindi at kakilakilabot na love affair.

Ang asawa ng guard ay halatang malibog din. An gang mga taong ipinanganak na scorpion ay malibog, iyan ang sabi nila at ang hayop na scorpio kapag nakikipagtalik totoong nakikipag palitan ng laway. Kaya naman sa pelikiula ginawa rin iyon ng mga karakter. Her husband can’t satisfy her sex drive. Halatang uhaw na uhaw sya sa extreme weird sex. So nang matagpuan nya si Danny na saksakan ng libog. Hindi nya pinalampas at sya pa ang naghahabol sa lalaki. Gustong gusto nya ang thrill at sarap na kanyang nararamdaman sa tuwing may nangyayayri sa kanila. Nagkakaroon sila ng panandaliang saya. Patunay dyan ang pagsuot at pagkalampag nya ng hanger sa butas sa itaas upang makuha ang atensyon ni Danny.  Pero hindi pweding bumaba si Danny kaya inilahad nya ang kanyang kamay mula sa itaas. Isinubo at pinagsusupsop iyon ng babae. Ang pagkasabik at uhaw sa kakaibang sex o acrobatic sex ay kanayng pinananabikan. Hindi na maaaring bumaba si Danny dahil any moment ay darating na ang guard.

Maihahalintulad ko ang asawa ng guard sa bansang Pilipinas. Sa mga taong galit at uhaw sa magandang pagpapalakad ng gobyerno. Na uhaw sa tamang pamumuno. Pilit lumalapit sa taong makakatulong, sa mga taong nakakatas, pero wala silang maasahan. Magkakaroon ng konting papogi ang mga namumuno kesyo ganto kesyo ganyan pero hanggang dun lang yun walang nangyayari.

Ang pelikulang ito ay binuo at ipinalabas sa panahon ni Marcos. Ang bansang Pilipinas ay uhaw sa kalayaan mula sa pamumuno ni Marcos. Isa itong pelikulang nagpaparinig sa sitwasyong kinakaharap noon ng bansa. Pero idinaan sa kakaibang pamamaraan.

Sa ilang bahagi ng pelikula ipinapakita ang tunay na sitwasyon ng bansa, ipinakakita ang larawan ng squatters area, ang mukha ng kahihrap at problema ng lipunan. Mga tambay, puru sugal, chismisan, inuman, konting gaguhan mag-aaway agad, mga sigawan at awayan ng mga kapitbahay sa dis-oras ng gabi. Ipinapakitang ang kahirapang hindi mawala-wala sa lipunan at kahirapang hindi mabigyan ng solusyon. Ibig sabihin walang kwentang gobyerno o pamumuno ang problema. Dahil din sa mali at bulok na sistema any mayroon noong panahon na iyon kaya isiniwalat nila ang problema sa pamamagitan ng ‘Scorpio Nights’.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento