Linggo, Setyembre 28, 2014

The Flor Contemplacion Story (1995)

               

MALING MALI TALAGA!









         
                Ang pelikulang ito ay hango sa tunay na buhay ni Flor Contemplacion, isang OFW na nagtrabaho sa Singapore. Inakusahan sya sa pagpatay sa isa pang OFW na domestic helper, si Delia Maga at isang batang Singaporean si Nicholas Huang, ang inaalagaan ni Delia. Ang mga Pilipino ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap para sa pamilya. Lumalayo upang mabigyan lang ng magandang buhay ang pamilya, at nagpapaka alipin. Pero hindi lang basta hirap at pagsasakripisyo, napapahamak pa. Napagbibintangan, at nahahatulan ng kamatayan kahit wala namang kasalanan.

                Pero kapansin-pansin na ang mga Pilipino ay nagkakaisa sa tuwing may problemang kinakaharap. Nagtutulungan, nagkakapit bisig upang mapagtagumpayan ang problemang kinakaharap. Maraming tao ang nakikisimpatya at nagpapakita ng pagmamalasakit. Kahit may problema, marami parin ang tumutulong sa kapwa Pilipino. Sempre sino-sino pa nga ba ang magtutulungan kundi tayo rin mga magkakalahi, patunay na buo ang bansang Pilipinas. Nakikita ang pagkakaisa ng bawat isa.

May mga organization na tumutulong sa katulad ng kaso ni Flor. Concerned sa mga overseas Filipino workers. Katulad ng grupong Migrante International, nagpopokus sa ibat-ibang uri ng problema ng mga OFW. Inaalam nila ang kanilang kalagayan, at sinisigurado ang kanilang kaligtasan. Ang Bagong Alyansang Makabayan, na nagpopokus sa human rights. Gabriela na nagpopokus naman sa  human rightspoverty, globalizationmilitarismviolencehealthsex traffickingcensorship at sempre ang pinaka importante sa kanila ay ang kababaihan. At nariyan din ang iba pang mga organisasyong makakatulong sa problema ni Flor na handing tumulong. Sa buhay ng tao, hindi ka nag-iisa. Maraming taong magmamalasakit sayo kahit hindi mo kamag-anak.

Pero ang nangyayari, kapangyariahan ang namamayani at hindi ang katotohanan. Dahil lang ba may pera at malakas sa gobyerno ay walang ng nagagawa ang mga Pilipino. Ang katotohanan ay nasasawalang bahala dahil sa kapangyarihan. Kapangyariahan vs. katotohanan taob ang katotohan. Walang nagagawa ang simpling tao kung makakabangga ka sa isang konkretong pader. Hindi biro ang iyong makakasagupa. Hindi matitibag ang pader na may katambal na kapangyariahan. Walang hustisya para sa katotokahan, puru nalang kapangyarihan. Sa oras ng ganyang sitwasyon, walang tama o mali, mga makapangyarihan lamang ang nagwawagi. Walang karapatan ang mga mangmang, mabababa at simpleng tao.

Ang mamatay na kasama ang pamilya, yung alam mo sa sarili mo na naging maligaya ka. Napagtagumpayan mo ang mga gusto mo sa buhay. Okay lang na mamatay, kasi alam mo na ang misyong binigay sayo ay napagtagumpayan mo na, pero ang patayin ang isang taong walang kasalanan. Namatay ng wala sa kagustuhan, namatay ng hindi man lang naipagtanggol ang sarili, namatay ng hindi dapat. Mas mabuti pang mamatay sa isang aksidente kaysa ipagtakda ang sariling buhay mo. Wakasan ng wala namang sapat na dahilan. Ang pagtapos sa buhay ng iba, hindi katanggap-tanggap. Ang buhay ng tao ay dapat pahalagahan ng bawat isa. Nagtatrabaho para sa pamilya pero namatay ng walang kasalanan. Hindi makatarungan diba. ./.

Sila na nga itong nagsasakripisyo sila pa yung napaparusahan ng walang kasalanan. Sila na nga itong pinaglilingkuran sila pa tong umaabuso ng mga Pilipino. Sa Pilipinas, patunay na ang mga trabaho ay mailap. Pipiliin pang mapalayo sa pamilya kumita lang. May dapat bang sisishin sa mga pangyayari, marahil nagmula yan sa kawalan ng magandang hanapbuhay dito sa bansa. Walang matinong mapagkikitaan, kaya pinipili ng mga Pilipino ang magtrabaho sa ibang bansa. Kung may roon matinong trabaong mahahanap dito sa bansa, hindi naman sila magsasakripisyo ng ganun. Imbis na ang lakas paggawa ay nasa Pilipinas, binili na ito ng ibang bansa. Kasi walang matinong makukuhang trabaho sa bansang Pilipinas. Nasa ekonomiya ang ikauunlad ng bansa, nasa ekonomiya ang pagtatrabaho. Hindi naman magpapaka alipin ang mga katulad ni Flor sa ibang bansa kung may matinong mapagkikitaan sa Pilipinas.

Ang kahirapan, ang mga squatters area, kakulangan ng sapat na edukasyon, kakulangan ng matinong trabaho, nakanino ba ang problema, problema sa droga? Sa pamamahalan o sa namamahala. Kasi sa tagal na ng gantong sitwasyong kinasasadlakan ng Pilipinas parang wala namang nangyayari. Parang mas lalo lang lumalala. Mas lalong nagiging mahirap para sa ating ang umahon sa lusak ng pagiging kadiring bansa.

Sa yaman ng bansa, bahit hindi kayang linangin? Sa laki ng kinikita ng gobyerno? Asan na ang mga pera? Obvious ba kung nasaan ang problema? Kung tutuusin kaya natin maging angat sa iba. Mapakita sa ibang bansa na kaya rin ng Pilipinas. Pero wala e, nagmumukang kawawang umaasa lang sa tulong ng mga dayuhan. Okay lang ang konti, pa-simple simple kaya nga may United Nations pero wag namang sobra. Tapos nagiging komodeti na ang Pilipinas, imbis na tayo ang luminang ng sariling atin, nagiging produksyon lang ang ating bansa. Nakikinabang sa kakapirot mula sa malalaking kita ng kumpanya. Ang pag unlad ay nasa sitwasyon ng bansa, o sa ekonomiya ng bansa. Wala sa taong naninirahan dito. Sa gobyernong ang sisi ng lahat. Walang progress para sa kalahatan, dahil walang matinong pamamalakad.

Anak (2000)


Longing













Ang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng OFW, si Josie. Nagpunta sa Hong Kong at naiwan ang pamilya, ang kanyang tatlong anak na sina Carla, Michael, at Daday sa asawang si Rudy. Pinili nya ang mahiwalay sa kanilang pamilya upang mabigyan sila ng maayos na buhay, upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Araw-araw tinitiis nya ang hirap na malayo sa mga mahal sa buhay. Hindi nya alam na sa kanyang pag-uwi, hindi na nya kilala ang mga anak lalo na si Carla ang panganay.

Maraming makakarelate sa pelikula dahil sa tema nitong pampamilya. Nagpapakita ito ng tunay na buhay, tunay na sitwasyon kinakaharap ng isang pamilya. Hindi pagkakasundo ng mag-ina, mga sitwasyong hindi mo naman nakasanayan tapos biglang magkakaroon. Mahirap nga malayo sa mahal sa buhay pero may kapalit na tagumpay ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo. May mga pagrerebeldeng nagaganap, pero ang nakakatuwa sa pelikulang ito, hindi na kinailangan ang matinding sex scene, o kung ano pang matititinding eksena sa droga, o karahasan para lang mapatunayan ang pagiging rebelde nya. Ang mga eksenang nabuo ay para makahaplos ng puso ng bawat taong manonood.

Maraming Pilipinong OFW, iniiwan nila ang kanilang pamilya dahil sa pagmamahal. Iniiwan nila dahil gustong makaranas ng maayus na buhay ang pamilya. Nagsasakripisyo at nagpapakaalipin sa ibang bansa para lang kumita ng pera.

Ang magulang ang gumagabay sa kanilang mga anak. Ang mga anak may sariling isip yan. Sa paglaki nila namumulat sila sa katotohanan ‘ako ang magpapatakbo sa buhay ko, ang lahat ng meron ako sa paligid ko ay mga gabay lamang’, by the end of the day desisyon ng isang tao ang magpakabuti o magpakagago. Kahit anong hubog ang gawin ng magukang still ang desisyon ng bata ang mangingibabaw.

Sabi nga ni Karla Estrada ina ni Daniel Padilla desisyon ng bata ang magpakabuti, dahil meron syang sarili nyang desisyon sa buhay, may sarili syang pag-iisip. Tinutukoy nya ay ang anak na si Daniel Padilla. Ako naniniwala ako dun, kahit gaano kaganda ang buhay ng tao minsan pinipili nila ang magpakagago o kaya pinipiling magpababuti at mapunta sa tama.

Si Carla, alam nya sa sarili nya kung ano ang mali, at kung ano ang tama. Ginawa nya yon dahil gusto nya ng atensyon. Atensyon na hindi naibigay sa kanya noon ng kanyang ina na si Josie. Paraan ni Carla ang pagiging rebelde upang maghiganti sa kanyang ina dahil iniwan sya sa oras na kailangan nya ng ina. Iba pa rin kasi ang ina sa ama. Pero hindi naman nawala ang presensya ng kanya ina, lumayo lamang. Naging isang inang nariyan pero malayo, hindi naman sila iniwan. Sya lang yung taong naghahanap ng atensyon. Namulat sya na andun ang presenya ng kanyang ina pero nung lumayo nanibago sya. Ang pagrerebelde ang kanyang naging paraan para maibalik ang ina na kanyang pinagkakagusto gustong makapiling.

“Nothing last forever” – pero ang pagmamahal na meron ang mga magulang hindi mawawala.
“Forever still do exist!” – ang love na meron sa ina at sa anak ay incomparable. Sila yung taong nagmamahal ng walang kapalit.
Hindi matatawaran ang pag-ibig ng ina sa kanyang anak. Ang nag-iisang relasyong hindi mabubuwag ay ang relasyon ng Ina at ng anak. Kahit anong mangyari, ang ina ay ina!

##########
Pero ang ayoko lang, bakit pa sya bumalik sa Hong Kong gayong naging maayos na naman ang lahat sa kanila ng kanyang mga anak. Parang patunay tuloy iyon na ang mga Pilipino ay patuloy na magpapaalipin sa ibang bansa no matter what happened. Magiging alipin ang mga Pilipino sa ibang bansa upang kumita ng pera. Tipong hindi na ba mababago ang sitwayson. Cosmopolitan forever.



_______________________________________________________

What is your wealth? “ANAK”

+HEALTH
            Si Carla, pibayaan nya ang kanyang sarili dahil sa paghahanap nya ng atensyon, dahil sa pagiging rebelde nya. Naging mangigninom sya, nagpakalungo sa droga, nagpabuntis ng ilang beses at pinabayaan ang sarili. Kung tutuusin maswerte sya dahil malamang may ibang taong gustong mapunta sa lugar nya. Mayroon syang malusog na pangangatawan, marami nga dyan na may mga sakit pero hindi nila kagustuhan dahil iyon ay namana nila or something. Pero sya pinabayaan nya lamang ang kanyang sarili, para sa kanyang kagustuhan makahanap ng atensyon. Nagpaka-selfish sya, hindi na nya iniisip na masamang abusuhin ang katawan, dahil ito ay ipinahiram lamang ng Diyos. Dapat nating alagaan at pagkaingatan an gating sarili’t katawan. Health is wealth!

+MONEY
            Si Carla, hindi naman sya hirap sa buhay. Nakakapag-aral, nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Maswerte sya dahil hindi sya hirap sa buhay. Marami nga dyan mga taong walang walang. Nangangalakal para lang makakain, walang matinong trabaho dahil hindi nakapag-aral. May mga taong gustong makapag-aral pero walang pera, hindi makapag aral dahil hirap sa buhay mga kapos sa buhay. Yung iba naman nagtatrabaho mapag-aral lang ang sarili. Hindi naman problema ang pera pero pinangyoyosi nya lang, puru alak, tapos droga. Yung pera ng nanay nya dinadala nya sa mga walang kwentang bagay. Sa buhay ng tao hindi ka mabubuhay kung walang pera, kaya naman dapat alam ang tunay na halaga ng pera.

+FAMILY
            Si Carla maswerte sya kasi kahit namatay ang kanayng Ama, andyan parin ang kanyang Ina. Nagtrabaho sa ibang bansa para mabigyan sila ng maayos na buhay. Inalagaan sila sa pamamagitan ng patatrabaho sa ibang bansa. Kaya nya piniling lumayo ay dahil mahal nya ang kanyang mga nak. May iba nga dyan na walang mga kapatid, walang mga magulang na gumagabay sa kanila. Maswete sya dahil mahal sya ng kanyang pamilya. Kahit namatay ang kanilang ama, andyan naman ang ina upang punan ang mga pagkukulang. Ang kanyang pamilya ang tunay na kayaman na hindi natutumbasan ng pera. Ang pag-ibig, pagmamahal at pa-aaruga na natatamo ng isang tao mula sa kanyang pamilya ay priceless.
Kay sarap mabuhay sa mundo kung may magandang pamilya, yung mababait at masiyahin, magulang na nagmamahal at gumagabay. Sumusuporta sa kung ano mang bagay na makakaginhawa at makakapagbigay ngiti sa kanila.

LOVE LOVE LOVE

Linggo, Setyembre 21, 2014

Virgin Forest 1985

The Virgin Mind






Kwento ng tatlong taong may magkakaiba ng stado sa buhay, nagsama-sama sina Chayong, Alfonsito and Alipio. Napasakamay at naging bihag sila ng mga Amerikano at ilang miyembro ng macabebe. Ang mga macabebe na sumama sa grupo ng mga Americano na naglalayong hulihin si Aguinaldo. Ang mga Americanong nagpapanggap na sila ay kaisa ni Aguinaldo at naglalayong ikalat ang mabuting pamumuno nito. Ngunit iyon ay isa lamang pagkukunwari upang kanilang mabilis na matagpuan si Aguinaldo.

Parang nag-umpisa ang lahat sa pagkukunwari, pinaniwala nila at nauto ang ilang mga Pilipino para maging kanilang tauhan. Nagbitiw ng mga mabubulaklak na salita, nangakong makakakuha sila ng magandang incentives kapag umanib sila, at ng ilang miyembro nga ng Macabebe ay sumapi sa mga Americano upang mahanap ni Aguinaldo. Nauto sila ng mga Americano, konting mga pangako lang ay agad silang naniwala. Parang nilason ang mga sundalo noong panahong iyon na maging taksil, labanan at kitilin ang kapwa. Kulang sila sa kaalaman kaya nabilog ang kanilang ulo ng mga Americano. Hindi nila alam ang maaring maging resulta ng kanilang desisyon. Ginagamit lamang sila ng mga Americano upang mapadali ang kanilang misyon. Hindi mahalaga ang pagiging taksil kung pera na ang usapan. Basta nahainan na kwarta sunod agad.

“Walang ginagamit kung walang magpapagamit”

Yun nga lang naging biktima ang mga Pilipino ng pagiging mangmang at pagigiging utu-uto kaya sila nagamit ng hindi sila aware. Naging sunod-sunuran at naniwala sa mga mapagpanggap na mga Americano. Ginagamit sila ng mga Americano dahil may nabebenefit sila dito. Hindi naman alam ng mga Pilipino na any moment pwede silang patayin ng mga yun kapag hindi sila sumunod, hindi nila alam na sila ang lubos na kawawa sa ganoong set up.

Maging madunong ka man sa ibang bagay mas lalo kang napapahamak. Kung mas marami kang alam, mas delikado ang iyong buhay. Ang kaalaman mo mismo ang maaring magpahamak sayo, pero dahil ikaw ay madunong kaya mong solusyunan ang iyong kinasadlakan. Maari kang magplano kung paano mo iwawaksi ang kagaguhan ng iba. Katulad ni Alfonsito. Dahil sya ay may kakayahang makaintindi ng English, nakasama yun sa kanya, nahirapan sya ng ilang araw sa pagtatago sa mga Americano.

            Sa kasalukuyang panahon, ang mga dayuhang hilig dayuhin ang bansang Pilipinas. Magpapanggap na maraming maitutulong, ang mga Pilipino naman maniniwala. Dahil sila ang may utak ginagamit nila ang mga Pilipino, nagiging utu-uto naman ang mga Pilipino. Nagmumukang mangmang, nilalason lamang ang isipan, ginagawang tuta at sunod sunuran. Hindi makabuo ng sariling desisyon dahil sa nilalason na ng pagiging mangmang. Tapos nagiging pala-asa pa sa ibang bansa. Kunyaring tutulungan pero sinasakop lang naman.

Katulad ng ginawa ng America, sabi tutulungan daw sa paglaban sa China dahil pilit inaankin ang ilang isla ng Pilipinas. Ang Pilipinas, hindi tumangi, pero hindi nyo alam sa panahon ngayon ang pagtulong ay laging may kapalit. Just watch out.

Tapos yung na-raid na shabu laboratory sa Pampanga, mahigit 1,100 kilo ng shabu ang kuha na aabot sa P7 billion.  Pinatatakbo ng mga dayuhan, ng mga Chinese na ginagamit ang bansang Pilipinas upang dito makapag produce ng maraming droga, ginagamit ang mga Pilipino upang mapakalat ang mga droga sa bansa. At ang mga drogang nasabat ay ini-export din sa ibang bansa. Sa laki ng shabu laboratory na na-raid, sinasabing aabot ang dami ng nakuha ay kasing dami ng shabu na nakukuha nila sa loob ng isang taon. Ang mga Pilipino ay nagiging biktima sa sariling bansa ng mga dayuhan.

Tapos nng ilang mayayaman dito sa Pilipinas, mga ibang lahi rin, katulad nila Henry Sy may-ari ng SM, Lucio Tan may ari ng Philippines Airlines, tapos si Paris Hilton, nagpatayo ng Hotel na akala mong nasa ibang bansa, halatang mayayaman lang ang nakaka afford. Mga dayuhan ang laging may mga business at ang mga Pilipino ay nagiging kamay lamang ng mga dayuhan sa kanilang mga mithiin.

Ano pa bang bago.?


            [Hindi ko alam pero parang paulit-ulit lang ung sinasabi, sorry di ko nabuo ng maayos]

Sabado, Setyembre 20, 2014

CURACHA ANG BABAENG WALANG PAHINGA (1998)

PILIPINAS

Ang Bansang Hindi Makapag-isa








         Si Curacha, isang torero, babaeng nakikipagtalik habang pinapanoond ng mga tao. Isa rin syang prostitute o babaeng nagbebenta ng katawan. Maraming lalaki na ang gumamit sa kanyang katawan, marami nang pumasok sa kanyang katawan at maraming tao na ang nakakita ng  kanyang katawan. Wala syang pakialam kung anong nangyayari sa paligid nya, walang pakialam sa sarili nya at wala syang takot mamatay ng maaga.

Habang patuloy ang coup d'etat laban kay Marcos, ipinapakita sa pelikula na kahit may problema ang Pilipinas may mga taong walang pakialam sa stado ng bansa. Hindi iniintindi kung anong pweding kahinatnat ng kanyang buhay. Walang pakialam kung anong mangyari sa bansang kanyang ginagalawan. Ipinapakita dito na bukod sa gulo ng bansa, hindi nawawala ang  mga problema sa prostetusyon at droga. Ang trabahong umulan bumagyo, ayus lang, magkagera magkagulo, tuloy lang. Ang nangyayari sa dilim, sa mga eskinita, ang mga problemang umusbong na hindi na maalis sa kulturang Pilipino at mas lalo pang lumalala sa kasalukuyan.

Ang bansang Pilipinas, ay parang si Curacha. Si Curacha transparent ang lahat katulad ng kanyang bag. Pinasok na ng kung ano ano at ginamit ng kung sino sino ang katawan. Walang pakialam kahit kanino nalang sya makipag siping. Si Curacha na walang pakialam sa bansa, wala rin pakialam sa sarili kung gaano na kababoy ang narating ng kanyang katawan. Ang Pilipinas ay bansang nagpapatianod lang sa dagsa ng mga kalapit bansa. Parang Pilipinas, walang paki alam kung sino man ang gusto sumakop kasi wala namang silang magagawa, kung nabuo ang bansa ng sinasakop malamang kinasanayan nalang ang pagsakop. Walang pakialam kung may dumating mang ibang kultura sa bansa, at walang pakialam kung paano sila nito mamanipulahin.

Si Curacha, nagpunta sa simbahan nagdasal. Nakakita sya ng liwanag, maputing liwanag na hudyat na pwede naman nyang maituwid ang kanyang sarili, at magkaroon ng direksyon ang buhay. Ang bansa ay makakakita pa ng puting liwanag, pero parang ang nakita mga puting tao. Mga kanong makakasama at makakatuwang, hindi bibitawan dahil napamahal na ang bansang America sa bansang Pilipinas.

Katulad ng nasabi ni Curacha “Naramdaman ko, gusto kong makita ang bestfriend kong si Myra, sya lang ang nakakaintindi sakin.” Patunay na kahit wala syang pakialam sa lahat, hindi man sya takot mamatay, gusto nya parin ang may katuwang, kasi nga “No man is an island”. Kahit na sabihing ni Curacha wala syang paki alam sa lahat ng nangyayari sa bansa. Hindi nya parin kaya ng mag-isa, nagiging masaya sya kapag andyan si Myra. Ang kanyang kaibigan, sinabi nya na “Kahit hindi mo sabihin gagawin ko yun dahil mahal kita.”  

Si Myra binibigyan ni Curacha ng importansya kasi sya lang ang nakakaintindi sa kanya, parang sya lang ang kakampi nya. Parang ang bansang Pilipinas, andyang ang bansang America, patuloy na niyayakap dahil may naitutulong sa bansa. Pinababayaan lang nito na basta basta na pumapasok ang ibat ibat kultura ng ibang bansa. Umaasa ang bansa sa America, sa bawat pagtulong ng Amerika, halatang katuwang ng Pilipinas ang America sa bawat nitong kibot. Kahit na sabihin nitong wala syang pakialam sa mga sumasakop dito, kahit na nagiging transparent ang lahat ng meron ang Pilipinas umaasa parin sila sa iba.

Patuloy man ang pagsakop ng ibang bansa sa Pilipinas mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pag-asang makakaya ng bansa ang mag-isa. Magiging malakas din ang Pinas at balang araw magiging independent katulad ng ibang bansa. Magpatuloy man ang sakupan at ang pag-asa sa iba o hindi.


Oro, Plata, Mata (1982) (Gold, Silver, Death)



IPINANGANAK KA MANG MAHIRAP O MAYAMAN, 

PANTAY-PANTAY PARIN TAYONG NASA LIPUNAN






Oro/Gold, ay nagrerepresenta sa buhay ng Ojeda at Lorenzo. Marangya, nabubuhay sa yaman at salapi, at mga pag-aari na hindi mabilang bilang. Sila ay mayayaman, mahilig sa mga susyalan, mahilig magdiwang, mga okasyon, nagkakaroon ng magarbong salo-salo. Puro pagsasaya, laging magagarbo ang mga kasuotan, may mga masasarap na pagkain, mga tugtugan at sayawan. Tapos iimbitahan ang kapwa mayaman, upang ano? Pag-usapan ang kanya kanyang yaman. Sa buhay nila tila ang problema ay umiikot lang sa pera at negosyo, mga payabangan ng lupa basta tungkol lahat sa ari-arian walang nagpapahuli at nagpapalamang.

Piano – ang intrumento ng mga mayayaman. Ang susyal kaya kapag marunong ka mag-piano. Tapos yung mga mayayaman noong unang panahon (panahon pa ng hapon wala pang kikay sabi ng nanay.. choss HAHA) nagkakaroon pa ng piano lesson para lang matuto. Ang lakas kaya makayaman ng piano.

Madhjong - ang sugal ng mga mayayaman. Karaniwang naglalaro ng madhjong ang mga mayayaman.

Sinyora Biring - Yung tipong kahit butong pakwan ipapabukas pa sa iba para lang hindi na mahirapan sa pagkain. Napaka halaga sa kanya ng mga alahas, bitbit nya ito kahit saan man sya magpunta. Hindi nya isusuko, kaya naman pinutol pa ang kanyang daliri para lang makuha ang kanyang mga singsing.
Yaya Tating – may sarili pang tagapag-alaga ang mga bata, talaga nga namang kay susyal.

May nabasa lang ako, blogger din sya at sabi daw ng high school teacher nya sa panahon daw ngayon politically speaking wala na daw middle class maari kang mabilang sa upper group or dun sa mga marginalized sector sa ating society. Kung mayaman ka dun ka nabibilang sa upper group, malang kapag hindi dun ka sa marginalized sector.

Upper Group
Mga elitista, ano nga kaya ng feeling ng isang elitista. Yung gigising ka sa umaga na handa na ang breakfast, hindi mo pinoproblema kung anong kakainin kasi nakahain na ito sayo. Air-con sa loob ng bahay. Maraming bagong gadgets, mabibili mo kung ano ang gusto mo, hindi namomoroblema na wala ng pera. Nakapag-aral sa kilalang Unibersidad, kayang magtravel abroad. Myroon kayong mga gamit o mga apliances na mga mamamahain.

Ang mga mayayaman mahilig mag-English. Ang mga kasootan ay mga pangsusyalan lagi, kaniwang may mga sports na pang mayaman katulad ng golf, fencing, hacky at iba pa. Tapos sila na nga itong mayayaman, sila pa tong magaganda o gwapo. Kung isa ka sa mga elitista? Maswerte ka! Isa ka sa pinagpalang taong ipinanganak na may gintong kutsara s bibig.

Plata/Silver, dahil sa World War II, namuhay sina Ojeda at Lorenzo family ng malayo sa nakasanayan, nagtago upang hindi mahuli ng mga hapon. Maraming sakripisyo at paghihirap ang naganap, mula sa pagiging mayamang mayaman at marangyang buhay sa mansyon. Pumunta sila sa bundok at sa magubat na lugar namuhay kasama parin ang mga kasambahay at trabahador. Namuhay ng payak, ngunit maya pangamba Hindi na sila sanay ng walang mga utusan, walang magluluto para sa kanila, karaniwan kasi sa mga kibot nila sa mga kasambahay nila inaasa. Malamang mahihirapan silang mabuhay ng wala yun.

Nung napunta sila sa kagubatan at kabundukan, nabilang sila sa Marginalized Sector sila ung mga normal na taong nagtatrabaho para mapakain ang kanilang pamilya. May normal na pamumuhay, na hindi gaanong napagtutuunan ng pansin. Dahil sa normal na buhay lang ang meron sila. Parang naging self-employed sila.


Death, nauwi ang lahat sa marahas na patayan. Naging kalunos-lunos ang kanilang dinanas. Sinugod sila ng mga gerilya, pinagpapatay ang mga katiwala. Naging masalimuot ang lahat, kinuhanan sila ng mga armas, pagkain, mga alahas, lahat ng mga mapakikinabangan ay inangkin ng mga gerilya. Hindi man sila pinatay ng mga hapon na kanilang sadyang pinagtataguan, mismong mga kapwa Pilipino ang gumawa ng masama sa kanila. Nabuo ang grupo ng mga gerilya upang labanan ang mga hapones. Pero ang nangyari ay nag-ugat para lang makapaghiganti sa mga matapobreng mayayaman.

Ipinapakita na sa anumang sakuna o giyera mayaman man o mahirap, nagiging pantay-pantay ang mga tao. Dahil lahat sila ay nagiging walang-wala. Parang yung mga nangyari sa Tacloban noong sinalanta sila ng bagyong Yolanda. Mayaman man o mahirap lahat sila ay namatayan, lahat sila nagiba ang bahay, ang mga pag-aari at ang mga pinaghirapang ipundar ay naglahong parang bula, at walang naisalba ni kahit ano.




Ano ba talaga?
Ang mga kabataan noong unang panahon sabi kapag nahalikan lang diba dapat ipakasal na agad. Masyadong konserbatibo ang mga kabataan noong dahil ang aking nalalaman kwento. Pero sa napanood ko, aba teka ang mga kabataan noon na-expose lang sandali gusto na agad ma-experience. Tapos sabi naman kapag daw virgin ka pa nakakahiya. Iba ang kwento ng nakatatanda sa kwento ng pelikula, parang hindi pala iba ang kabataan noon sa kabataan ngayon. Mahilig din mag-explore.

Sabi ng prof po naming sa ethics, once na na-expose ang isang tao it became habitual. Kaya nung na expose, na- curious at na- experience ni Trining yon ginawa na nya ng madalas. Parang panonood din siguro ng mga porn. If you started watching it, it will become habitual, parang hahanap hanapin mo na.


Linggo, Setyembre 14, 2014

Sister Stella L (1984)


Anong kalokohan ‘to?











Ang Sister Stella L. ay tungkol sa madreng sumamang magwelga sa loob ng ilang linggo. Isang babaeng tinalikuran ang normal na pamumuhay at nanirahan sa loob kumbento upang makapaglingkod sa Diyos at upang makapaglingkod sa mga taong nangangailangan ng tulong. Ang mga tao ay biktma ng lipunan na nangangailangan ng tulong, at hindi pwdeng talikuran sa oras ng pangangailangan. Hanggang sa dumating sa puntong na involved sya sa welga, hindi man sadya ang mapasabit sya sa welga ay ipinagpatuloy parin nya sapagkat nakita nya ang kamaliang dapat ipaglaban, at kabaluktutang nararapat ituwid.

Ang tono ng pelikula ay halatang may pinaglalaban, parang may galit. Sa bawat linya ng mga karakters, may pinaglalaban.



Sister Stella Legaspi, matulungin, masipag, maasikaso, matapang, at vulnerable. Matulungin masipag at maasikaso dahil kahit hindi naman nya ikayayaman ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ay patuloy sya sa kanyang nais. Marahil nasa puso nya ang paglilingkod at ang pagiging maasikaso, siguro’y ang puso nya ay nababalot ng kaligayahan sa tuwing nakakatulong. Sya ay matapang, ang makapasok sa ganoong uri ng sitwasyon ay nakakatakot, pero kahit na may takot syang nararamdaman hindi sya bumitiw sa mithiin na matulungan ang iba na madinig ang boses ng mga manggagawa at ibigay ang kanilang karapatan.

At higit sa lahat vulnerable, ang isang taong katulad nya na madaling maapektuhan sa mga bagay-bagay sa paligid ay madaling makakapagpabago sa kanyang isipan at feelings. Una sa lahat, kung hindi naman sya vulnerable hindi sya papadala sa pagwewelga. Kung talagang kaya nyang kontrolin ang kanyang sarili hindi sya hahantong sa ganoong sitwasyon. Parang madaling nalason ang kanyang utak, konting paliwanag lang ng kanyang katukayo ay madaling nabibilog ang kanyang ulo. Pinasok nya tuloy ang sitwasyong halos pati ang kanyang buhay ay itinaya na nya. Pero kahit ganoon pa man, minahal na nya ang mga taong nabibilang sa union. Binigyan nya ng malasakit, kanyang tinulungan, at inasikaso.

Si Sister Stella ay parang isang teenager na kapag napasama sa mga kabataang pasaway, yung tipong nagdodroga at gumagawa ng masama ay agad syang maiimpluwensyahan. Magiging isang adik na rin at gagawa ng hindi maganda.

Pero kahit ganon very inspiring sya, pinagpatuloy nya ang laban kahit na delikado na ang sitwasyon. Marahil naniniwala rin sya sa kasabihan ng union, “Mabuti nang mamatay ng lumalaban” kaya naman ang pagsunod sa mithiin at naisin sa buhay ay nakaka-inspired.



Nick Fajardo, ang representante ng tunay na journalist, bakit ka nyo. Isang kapangyarihan ang humawak ng ballpen, parang si Rizal lang sa dami ng nasulat nya nagging eye-opener sya at nakapagpabago sa bansa. Ang pagiging isang mamamahayag ay isang kapangyarihang hindi mananakaw nino man. Pero sa sitwasyon ni Nick, nabaliwala ang kanyang kapangyarihan. Sinu-suppress ang kanyang mga article. Dahil daw hindi balanse, laging may kinikilingan. Hindi pinupublish dahil baka magkaroon ng mas malaking problema at mas lalo lamang magkagulo.

                Minsan nagiging patay ang karapatan ng mga mamamahayag dahil sa mga pagpipigil na ginagawa ng ibang tao. At karaniwan yang ng mga taong kalaban ng mga mamamahayag, ang mga may posisyon sa lipunan. Maaring dahil sa kanilang mga banta, pananakot, panunuhol o pagbabayad, at kung minsan mas malala ginagamitan ng dahas upang itikom ang mga bibig at wag ilabas ang mga baho ng mga opisyales. Mahirap maging isang media practitioner, buhay na minsan ang pinag-uusapan. Pero sabi nga “No news is worth dying for” ang buhay ay mahalaga, pero minsan kahit alam nila ang motto na ito, pinipili parin nilang magpaka superhero. Mamatay silang may nabago sa lipunan. Gusto nilang ilabas ang dapat malaman ng bayan. Dahil isa sa karakter ng isang media practitioner ay ang maging isang magaling na storyteller dahil ang bayan ay sayo maninilawa at aasa sa katotohanan.


________________________________________________

Sa pag-aaway hindi nawawalan ng dalawanang magkaibang panig, sinasabi ng parehong panig na  sila ang tama. Ang mga trabahador na kung ano ang gusto nila dapat yun ang masunod dahil sila ang gumagawa ng mga produkto. Pero ang mga may ari nagsasabi o kapitalista, kailangang muna nilang ihinto ang pagwewelga bago pag-uusapan ang mga susunod na mangyayari. Walang may gustong magparaya.

Ayon sa mga nagwewelga may ilang na naha-harass sa kanilang miyembro, at malala dyan may biniugbog pa. Suspetcha ng mga nagwewelga, ang may ari ng pabrika ang may pakana noon. May mga goons na sumusubaybay sa kanila.

Ang bwelta naman ng kabilang panig na nagmamay-ari ng pabrika. Puro gulo lang ng dulot ng union. Yung iba hindi makapasok dahil sa mga picket, natatakot o tinatakot, at hina-harass. Sinasabi pang dahil mga walang pinag-aralan kaya daw nagrerebelde tapos pati ang mga madre na sumasama sa union ay kanyang kinainisan dahil sila daw ang taga sulsol. Panay tanggi sa mga paratang at agad ibinabaliktad ang kwento.

Ang pagwewelga ng union ay dumaan sa tamang proseso, walang dahas, ang nais lamang nila ay marinig at mabigyang daan o katuparan ang kanilang nais. Ang mga trabahador ay hindi magwewelga kung walang problema. Kung tama ang pamamalakad sa pabrika. May rason ang mga nagpipicket kaya nila iyon ginagawa. Sila man ay maliliiit na tao, malaki naman ang naiaambag nila sa pag-unlad ng lipunan. Maaring magtiis pero hanggang kalian, magtitiis ba sila dahil wala silang magagawa. Lahat ng tao may karapan sa pantay na pagtingin at makatamasa ng sapat na sweldo. Kaya naman nila ginawa ang union ay upang ilabas ang mga hinaing nila sa buhay. Ang mga kapitalista, kapagnilabanan  mo sila, ang mga may kapangyarihan, gigipitin ka, at kung minsan ipapapatay pa.

                Katulad na lang ng problema ngayon sa Metro Rail Transit (MRT), hindi naman masyadong malala na may patayang nagaganap. Nagkaroon ng MRT Challenge kung saan hinahamon ng mga pasahero ng MRT ang mga opisyales na sumakay sa MRT upang malaman nila ang hirap, init, sikip at inip na inaabot ng mga pasehero para lamang makasakay dito. Maraming abirya at problema ang idinulot ng MRT, dati na ngang mahaba ang pila noon tapos ngayon nagkakaroon pa ng malimit na problema. Kaya nagkaroon ng MRT Challenge. Kinuha nila ang konsepto ng Ice Bucket Challenge. May mga ilang mga opisyales ng gobyerno ang sumubok sa MRT challenge katulad nila Senator Grace Poe, President Spokesperson Edwin Lacierda, Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya at iba pa.

                Maging matyaga tayo sa mga bagay na paparating palang at ang aksyong hindi pa naisasakatuparan. Pero kapag hindi tayo umalma at nagreklamo malamang aabuso ang may mga sala dahil sa pagiging pipi ng taong bayan. Hindi masama ang magreklamo, sa ganitong paraan makikita at malalaman natin ang bagay na dapat bigyan ng solusyon at pagtuunan ng pansin. Kung may aksyong gagawin dapat simulan na dahil sila mismo ay masasanay na ang mga tao\trabahador ay hindi umiiimik at nag sasawalang bahala, para na rin silang maabuso.



Gusto nilang bigyan sila ng dagdag na sahod, dahil nga naman sa pagkukulang. Sempre kung iisipin ang mahal na kaya ng mga bihilin. Lalong nagmamahal ang mga bihilin sa paglipas ng panaon pero hindi naman tumataas ang sweldo. Kaya unti unting nababawasan ang naiuuwing pagkain ng mga ordinaryong mamamayan.

Eto pa isang problemang kinakaharap ng mga Pilipino, nagkaroon pa ng truck ban, kung saan hirap ang mga tuck sa kanilang transportation. May roon lamang limitadong oras at lane para sa kanilang pagdedeliver. Ang rason ng nagpatupad, upang hindi magkaraoon ng heavy traffic sa kalsadahan. Minsan talaga ang mga opisyales ang lalong nagpapagulo sa buhay nating mamamayan. Dahil sa truck ban lalong matatagalan ang pagbabyahe sa mga produktong ginagamit ng mga tao o mga pagkain kino-consume. Kapag nagkaubusan sa market, shortage ang abot tapos lalong magtataas ang presyo ng mga produkto sa merkado. Naghihirap na nga ang mga tao, mas lalo pang mahihirapan. Gusto ata wala ng makain ang mga mahihirap e.

 Tapos ang kita ng mga ordinaryong manggagawa o mga employee lamang ay ganoon parin. Malilimitahan ang dating budget para sa pang araw-araw. Lalung magkukulang ang dati nang mga kapos, dahil sa mga maling pamumuno parin. Ang lahat ng kasadlakang natatamasan ng mga tao ay sumasalamin sa namumuno. Sila ang lubos na naghihirapan at nagugutom kahit na silang maggagawa ang lubos na naghihirap.


[Ang tagal masyago ng welga, akala ko mapapasa sa Guinness Book of World Record pinaka matagal na nagwelga.]

Sabado, Setyembre 13, 2014

Karnal (1983)




















Ano nga ba?


Ang KARNAL. Ito ay tungkol sa babaeng nagngangalang Puring na sumama sa kanyang asawa na bumalik sa baryo ng Mulawin kung saan lumaki ang lalaki na si Narcing. Ito ay isang pagsasalaysay ni Charito Solis ng kwento ng kanyang mga kamag-anak. Ang tagapagsalaysay ay anak ni Doray na kapatid ni Narcing.
            Ang kwento ng buhay ni Puring ay masalimuot, wala na syang mga magulang. Ulila nang lubos. Pero patuloy syang lumalaban at tumatayo sa sariling paa upang mabuhay. Gusto magkaroon ng buhay na nais nya, at makamtan ang pagmamahal na ninanais na madama noon pa man. Kaya naman ng nakilala nya si Narcing, nagpakasal sya rito at sumama sa probinsya. Hindi nya inaasahang tila isang masamang panaginip ang kanyang natagpuan sa baryo ng Mulawin.



Sino ba sila?

Si Goryo ang sumasalamin sa isang tunay na Pilipino. Nagtataglay ng mga katangiang tunay na pang mga Pilipino. Sya ay masunurin, matulungin, mabait, masipag, maunawain, mapag-alaga, at marami pang iba. Pero kapansin-kansin ang pagiging adaptable at flexible nya. Isa ring ulila, iniwan at inabandona dahil sa kapansanan. Parang syang Pilipino na nagtatatrabaho sa abroad, ang mga OFW natin. Nagsisikap at pinaglilikuran ang mga taong di nila lubos na kakilala. Kahit na nakararanas ng mga pang-aapi ay hindi kalian man sumuko sa pagtatrabaho upang kumita ng pera. Cosmopolitan ang mga Pilipino, kahit saang sulok man ng mundo ay hindi mawawala. Andun sila sa lugar kung saan marahil hindi nila gusto, andun sila dahil wala lang silang mapagpipilian. Ang mga OFW ay nagsasakripisyo, may ibat ibang kwento ng pagpapahirap, pang-aabuso, pagmamaltrato, at diskriminasyon pero wala silang imik sa hirap na dinadanas, ginagawa nila yun upang mabuhay at upang makabuhay ng pamilya.


Puring, sa pagnanais na makakita at makahanap ng pamilyang magmamahal sa kanya sapagkat sya ay ulila na. Natagpuan nya si Narcing nagpakasal sya rito at dinala sya sa Mulawin. Nakahanap sya ng tao o bagong pamilyang makakasama sa buhay. Sa kanyang natagpuan, ibang pamilya ang kanyang nakita.
Matinding paghihigpit ang kanyang dinanas, isa syang representante ng babaeng gusting kumawala at lumaya sa paghihigpit at pananakal na kanyang dinadanas. May pagka-feminism, ang pelikula. Nakasanayang ugali ng mga Pilipinong na ang mga kababaihan ay nasa bahay lamang at gumagawa ng mga gawaing bahay. Gustong basagin ang nakaugaliang kinasanayan. Ang mga babae ay hindi lamang pangtahanan, hindi lang puro luto, linis, laba ang kanyang gawin. Mayroon din ang mga kababaihang kakayahang maihahanay sa mga kalalakihan. Hindi dapat basta inaanakan, na para bang yunlang ang silbi. Hindi na pinag-aaral, dahil mag-aasawa lang naman sa hinaharap. Ang pantay na pagtingin at karapatan para sa lahat ang dapat pairalin. Kagaya ng ngalan ng  lugar kung saan sila naroroon, ang Mulawin. Hindi bat ang ibon ay isang hayop na dapat may kalayaang lumipad, pumunta kung saan mang lugar nito naising pumunta? Nais lumaya sa pamumuhay. Ang babae at lalake ay may karapatang maging pantay.


Gusting, ang sumusimbolo ng mapang abusong ruler, nasa kanya ang authority. Hawak nya sa leeg ang mga taong kanyang pinamumunuan. Puru mando, puru yabang, lahat ng maisipang gawin gagawin. Kinatatakutan dahil sa kapangyarihang mayroon sya.
“Nung bata pa ako, marinig ko lang na tumikim ang itay sa labas ng kwarto ay nanginginig na ako”-Doray
Ganoon nya katakutan ang amang si Gusting. Dictatorship ang sumasalamin sa kanya. Sya ang nag-iisang may hawak ng kapangyarihan, sya ang kumokontrol sa buong lugar na sinasakupan. Kung sino man ang sumuway, malamang may karampatang parusa, kapag hindi nagustuhan ang asta, malamang may kaparusahan ding katapat. Walang sino man ang pweding kumontra. Walang magagawa ang mga mamamayan kundi ang ang maging sunod-sunuran sa diktador.


Narcing, isang anak na rebelde. Noon pa man ay labis na ang kanyang panunuligsa sa ama. Pero wala syang magawa dahil by the end of the day, magreklamo man sya o maging rebelde, aasa at aasa parin sya sa kanyang ama. Wala syang magagawa kundi ang bumalik sa kanya. Parang isang lipunan nais tuligsain ang pamumunong nararanasan. Dahil hindi maganda, hindi nakakabuti kaya naisipang magrebelde. Pero dahil sa ang bayang iyon ay pinamumunuan ng makapangyariahan, wala silang magagawa kundi ang sumunod, isa parin silang follower.


Anak ni Puring, sa mundong ibabaw pagmamahal ang pinapairal. Kaya naman kahit na nahirapan ay pilini ni Puring na patayin ang sariling anak, upang hindi matukso sa hinaharap. Sa mundong ito, ang kakaiba ang lubos na napagtutuunan ng pansin. Ang mga taong kakaiba ay kinaiilagan at tampulan ng tukso. Kapag may kakaiba sayo, bully agad ang abot mo, katatakutan ka, kaonti lang ang magmamahl at magmamalasakit sayo.
Dito sa mundo, kapag may itchura ka, nakakangat ka, iba ang trato sayo, ikaw ang madalas na bida, nagiging sikat ka, at ang atensyong hindi mo naman nais ay napapasayo. Yung mga taong magaganda o gwapo, hindi na sila madalas mag-effort sa mga bagay na gusto nila. Nakukuha nila ito ng ganun na lang kabilis. Parang itchura lang ang nagiging batayan upang mas makalamang ka sa kapwa. Pag may itchura advantage agad, ang pantay na pagtingin sa tao ay nawawala. Paano naman yung mga taong hindi kagandahan, kapag panget parang ang nangyayari less ang karapatang sumikat, dapat matalino ka muna bago mo maisagawa ang kagustuhan, dapat ikaw mismo ang gumawa at maging madiskarte sa buhay para umasenso. Kapag maganda o gwapo pasok agad sa trabaho, yung mga hindi naman kagandahan madalas ma-reject. Iba talagang treatment ang nakukuha ng mga taong pinagpala. Nagiging physical na anyo na lamang ang nagiging batayan ng lipunan sa sapat na karapanan. Kapag maganda o gwapo greater, at kapag panget less, pantay na pagtingin at pagtrato ang mas makakabuti para sa lahat.
Don’t judge, iniisip ng iba kapag may kapansanan ay hindi na kayang gawin ang kayang gawin ng normal na tao. Hindi rin naman din kasalanan ng tao kung bakit sila nagkaganoon. Kayo nga mismo ayaw nyo sa sarili nyo na makaranas ng diskriminasyon hindi ba. Hindi sa lahat ng pagkakataon masasalamin ang kalooban ng tao sa panglabas lamang nitong anyo.




******************************



Ang mga magulang ang humuhubog at nagsisilbing gabay sa mga anak. Sila ang namumuno sa loob ng tahanan lalo na ang ilaw ng tahanan. Sinasabing sila ang lubos na nakakaalam ng makabubui para sa anak. Na walang ginusto ang magulang na makasasama sa kanilang mga anak. Pero napansin ko lang hindi purkit sya ang magulang sila na ang dapat masunod. Paano kung mali na, wala na sa tama, maling pamamalakad na sa tahanan ang nagnyayari, paling pagpapayo. Ang magulang ang bumubuhay sa anak pero ang mga anak, habang lumalaki ay may saring plano at pangarap sa buhay. Hinid kayang diktahan ng magulang ang kagustuhan ng mga anak. Mas maganda kung suporthana ang ank sa kagutuhan upang hinid magkaroon ng hidwaan sa pagitan. Ang anak nasasakal din, napapansin akung mali na a bang ang pagpapalaki at pagpapalakad ng gmagulang sa tahanan nila. Hindi lahat ng magulang alam ang nakabubuti para sa anak. Maiging pagbigyan ang mga anak sa nais. Uoang hindi magrebelde. Subay bayan lamg sila ng tama.


Pag-titiwala ang susi sa magandang relasyon. Wag pangunahan ng hinala. At wag maniwala sa mga sabi-sabi o mga haka-haka. Maling desiyon ang magselos ng hindi mo alam ang totoo. Hindi makakabuti ang paghihinala, makakasira yan ng relasyon dapat paniwalaan ang bawat isa. Ang magbubuklod sa dalawang taong tunay na nag-iibigan ay ang pagtitiwala.


Napansin ko lang ang mga eksena, karaniwan madilim, hindi kaya ang buong kwento ay binabalot na kadiliman, pinamumunuan ng tunay na dimonyo. Ang tunay na dimonyo ay si Gusting ang lahat ng kaitiman ng puso ang namamayani sa kanya. Kaya ang anak nya na si Narcing, nalahian may pagkasa dimonyo na rin. Tama ba namang maltratuhin at saktan ang babae. Kahit na ang babae ay may nagawa mang kasalan, hindi parin sapat na dahilan upang saktan.  Kaya naman nang nagsilang si Puring ng sanglo, isang mala dimonyong bata ang kanyang isinilang. Ang tanong, magpapatuloy pa ba ang kasamaan? Hindi na dahil nagapi na ng  kabutihan ang kasamaan. Pinatay na ni puring ang sibol upang hindi na lumawak o lumaki ang kanilang lahi.

[Hindi ko na naman alam kung anong pinagsusulat ko]