Anong kalokohan ‘to?
Ang Sister
Stella L. ay tungkol sa madreng sumamang magwelga sa loob ng ilang linggo. Isang
babaeng tinalikuran ang normal na pamumuhay at nanirahan sa loob kumbento upang
makapaglingkod sa Diyos at upang makapaglingkod sa mga taong nangangailangan ng
tulong. Ang mga tao ay biktma ng lipunan na nangangailangan ng tulong, at hindi
pwdeng talikuran sa oras ng pangangailangan. Hanggang sa dumating sa puntong na
involved sya sa welga, hindi man sadya ang mapasabit sya sa welga ay
ipinagpatuloy parin nya sapagkat nakita nya ang kamaliang dapat ipaglaban, at
kabaluktutang nararapat ituwid.
Ang tono ng
pelikula ay halatang may pinaglalaban, parang may galit. Sa bawat linya ng mga
karakters, may pinaglalaban.
Sister Stella Legaspi, matulungin,
masipag, maasikaso, matapang, at vulnerable. Matulungin masipag at maasikaso dahil
kahit hindi naman nya ikayayaman ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ay patuloy
sya sa kanyang nais. Marahil nasa puso nya ang paglilingkod at ang pagiging
maasikaso, siguro’y ang puso nya ay nababalot ng kaligayahan sa tuwing nakakatulong.
Sya ay matapang, ang makapasok sa ganoong uri ng sitwasyon ay nakakatakot, pero
kahit na may takot syang nararamdaman hindi sya bumitiw sa mithiin na
matulungan ang iba na madinig ang boses ng mga manggagawa at ibigay ang
kanilang karapatan.
At higit sa
lahat vulnerable, ang isang taong katulad nya na madaling maapektuhan sa mga
bagay-bagay sa paligid ay madaling makakapagpabago sa kanyang isipan at
feelings. Una sa lahat, kung hindi naman sya vulnerable hindi sya papadala sa
pagwewelga. Kung talagang kaya nyang kontrolin ang kanyang sarili hindi sya
hahantong sa ganoong sitwasyon. Parang madaling nalason ang kanyang utak,
konting paliwanag lang ng kanyang katukayo ay madaling nabibilog ang kanyang
ulo. Pinasok nya tuloy ang sitwasyong halos pati ang kanyang buhay ay itinaya
na nya. Pero kahit ganoon pa man, minahal na nya ang mga taong nabibilang sa
union. Binigyan nya ng malasakit, kanyang tinulungan, at inasikaso.
Si Sister Stella
ay parang isang teenager na kapag napasama sa mga kabataang pasaway, yung
tipong nagdodroga at gumagawa ng masama ay agad syang maiimpluwensyahan. Magiging
isang adik na rin at gagawa ng hindi maganda.
Pero kahit ganon
very inspiring sya, pinagpatuloy nya ang laban kahit na delikado na ang sitwasyon.
Marahil naniniwala rin sya sa kasabihan ng union, “Mabuti nang mamatay ng
lumalaban” kaya naman ang pagsunod sa mithiin at naisin sa buhay ay nakaka-inspired.
Nick Fajardo, ang representante ng
tunay na journalist, bakit ka nyo. Isang kapangyarihan ang humawak ng ballpen,
parang si Rizal lang sa dami ng nasulat nya nagging eye-opener sya at
nakapagpabago sa bansa. Ang pagiging isang mamamahayag ay isang kapangyarihang
hindi mananakaw nino man. Pero sa sitwasyon ni Nick, nabaliwala ang kanyang
kapangyarihan. Sinu-suppress ang kanyang mga article. Dahil daw hindi balanse, laging
may kinikilingan. Hindi pinupublish dahil baka magkaroon ng mas malaking problema
at mas lalo lamang magkagulo.
Minsan
nagiging patay ang karapatan ng mga mamamahayag dahil sa mga pagpipigil na
ginagawa ng ibang tao. At karaniwan yang ng mga taong kalaban ng mga
mamamahayag, ang mga may posisyon sa lipunan. Maaring dahil sa kanilang mga
banta, pananakot, panunuhol o pagbabayad, at kung minsan mas malala ginagamitan
ng dahas upang itikom ang mga bibig at wag ilabas ang mga baho ng mga
opisyales. Mahirap maging isang media practitioner, buhay na minsan ang
pinag-uusapan. Pero sabi nga “No news is worth dying for” ang buhay ay
mahalaga, pero minsan kahit alam nila ang motto na ito, pinipili parin nilang
magpaka superhero. Mamatay silang may nabago sa lipunan. Gusto nilang ilabas
ang dapat malaman ng bayan. Dahil isa sa karakter ng isang media practitioner ay
ang maging isang magaling na storyteller dahil ang bayan ay sayo maninilawa at
aasa sa katotohanan.
________________________________________________
Sa pag-aaway hindi
nawawalan ng dalawanang magkaibang panig, sinasabi ng parehong panig na sila ang tama. Ang mga trabahador na kung ano
ang gusto nila dapat yun ang masunod dahil sila ang gumagawa ng mga produkto. Pero
ang mga may ari nagsasabi o kapitalista, kailangang muna nilang ihinto ang
pagwewelga bago pag-uusapan ang mga susunod na mangyayari. Walang may gustong magparaya.
Ayon sa mga nagwewelga may ilang na naha-harass sa
kanilang miyembro, at malala dyan may biniugbog pa. Suspetcha ng mga nagwewelga,
ang may ari ng pabrika ang may pakana noon. May mga goons na sumusubaybay sa
kanila.
Ang bwelta naman
ng kabilang panig na nagmamay-ari ng pabrika.
Puro gulo lang ng dulot ng union. Yung iba hindi makapasok dahil sa mga picket,
natatakot o tinatakot, at hina-harass. Sinasabi pang dahil mga walang pinag-aralan
kaya daw nagrerebelde tapos pati ang mga madre na sumasama sa union ay kanyang
kinainisan dahil sila daw ang taga sulsol. Panay tanggi sa mga paratang at agad
ibinabaliktad ang kwento.
Ang pagwewelga
ng union ay dumaan sa tamang proseso, walang dahas, ang nais lamang nila ay marinig
at mabigyang daan o katuparan ang kanilang nais. Ang mga trabahador ay hindi
magwewelga kung walang problema. Kung tama ang pamamalakad sa pabrika. May rason
ang mga nagpipicket kaya nila iyon ginagawa. Sila man ay maliliiit na tao,
malaki naman ang naiaambag nila sa pag-unlad ng lipunan. Maaring magtiis pero
hanggang kalian, magtitiis ba sila dahil wala silang magagawa. Lahat ng tao may
karapan sa pantay na pagtingin at makatamasa ng sapat na sweldo. Kaya naman
nila ginawa ang union ay upang ilabas ang mga hinaing nila sa buhay. Ang mga
kapitalista, kapagnilabanan mo sila, ang
mga may kapangyarihan, gigipitin ka, at kung minsan ipapapatay pa.
Katulad
na lang ng problema ngayon sa Metro Rail Transit (MRT), hindi naman masyadong
malala na may patayang nagaganap. Nagkaroon ng MRT Challenge kung saan hinahamon
ng mga pasahero ng MRT ang mga opisyales na sumakay sa MRT upang malaman nila
ang hirap, init, sikip at inip na inaabot ng mga pasehero para lamang makasakay
dito. Maraming abirya at problema ang idinulot ng MRT, dati na ngang mahaba ang
pila noon tapos ngayon nagkakaroon pa ng malimit na problema. Kaya nagkaroon ng
MRT Challenge. Kinuha nila ang konsepto ng Ice Bucket Challenge. May mga ilang
mga opisyales ng gobyerno ang sumubok sa MRT challenge katulad nila Senator
Grace Poe, President Spokesperson Edwin Lacierda, Transport and Communications Secretary
Joseph Emilio Abaya at iba pa.
Maging
matyaga tayo sa mga bagay na paparating palang at ang aksyong hindi pa
naisasakatuparan. Pero kapag hindi tayo umalma at nagreklamo malamang aabuso
ang may mga sala dahil sa pagiging pipi ng taong bayan. Hindi masama ang
magreklamo, sa ganitong paraan makikita at malalaman natin ang bagay na dapat
bigyan ng solusyon at pagtuunan ng pansin. Kung may aksyong gagawin dapat simulan
na dahil sila mismo ay masasanay na ang mga tao\trabahador ay hindi umiiimik at
nag sasawalang bahala, para na rin silang maabuso.
Gusto nilang bigyan
sila ng dagdag na sahod, dahil nga naman sa pagkukulang. Sempre kung iisipin
ang mahal na kaya ng mga bihilin. Lalong nagmamahal ang mga bihilin sa paglipas
ng panaon pero hindi naman tumataas ang sweldo. Kaya unti unting nababawasan
ang naiuuwing pagkain ng mga ordinaryong mamamayan.
Eto pa isang
problemang kinakaharap ng mga Pilipino, nagkaroon pa ng truck ban, kung saan
hirap ang mga tuck sa kanilang transportation. May roon lamang limitadong oras
at lane para sa kanilang pagdedeliver. Ang rason ng nagpatupad, upang hindi magkaraoon
ng heavy traffic sa kalsadahan. Minsan talaga ang mga opisyales ang lalong
nagpapagulo sa buhay nating mamamayan. Dahil sa truck ban lalong matatagalan ang
pagbabyahe sa mga produktong ginagamit ng mga tao o mga pagkain kino-consume. Kapag
nagkaubusan sa market, shortage ang abot tapos lalong magtataas ang presyo ng
mga produkto sa merkado. Naghihirap na nga ang mga tao, mas lalo pang
mahihirapan. Gusto ata wala ng makain ang mga mahihirap e.
Tapos ang kita ng mga ordinaryong manggagawa o
mga employee lamang ay ganoon parin. Malilimitahan ang dating budget para sa
pang araw-araw. Lalung magkukulang ang dati nang mga kapos, dahil sa mga maling
pamumuno parin. Ang lahat ng kasadlakang natatamasan ng mga tao ay sumasalamin
sa namumuno. Sila ang lubos na naghihirapan at nagugutom kahit na silang
maggagawa ang lubos na naghihirap.
[Ang tagal
masyago ng welga, akala ko mapapasa sa Guinness Book of World Record pinaka
matagal na nagwelga.]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento