Sabado, Setyembre 20, 2014

CURACHA ANG BABAENG WALANG PAHINGA (1998)

PILIPINAS

Ang Bansang Hindi Makapag-isa








         Si Curacha, isang torero, babaeng nakikipagtalik habang pinapanoond ng mga tao. Isa rin syang prostitute o babaeng nagbebenta ng katawan. Maraming lalaki na ang gumamit sa kanyang katawan, marami nang pumasok sa kanyang katawan at maraming tao na ang nakakita ng  kanyang katawan. Wala syang pakialam kung anong nangyayari sa paligid nya, walang pakialam sa sarili nya at wala syang takot mamatay ng maaga.

Habang patuloy ang coup d'etat laban kay Marcos, ipinapakita sa pelikula na kahit may problema ang Pilipinas may mga taong walang pakialam sa stado ng bansa. Hindi iniintindi kung anong pweding kahinatnat ng kanyang buhay. Walang pakialam kung anong mangyari sa bansang kanyang ginagalawan. Ipinapakita dito na bukod sa gulo ng bansa, hindi nawawala ang  mga problema sa prostetusyon at droga. Ang trabahong umulan bumagyo, ayus lang, magkagera magkagulo, tuloy lang. Ang nangyayari sa dilim, sa mga eskinita, ang mga problemang umusbong na hindi na maalis sa kulturang Pilipino at mas lalo pang lumalala sa kasalukuyan.

Ang bansang Pilipinas, ay parang si Curacha. Si Curacha transparent ang lahat katulad ng kanyang bag. Pinasok na ng kung ano ano at ginamit ng kung sino sino ang katawan. Walang pakialam kahit kanino nalang sya makipag siping. Si Curacha na walang pakialam sa bansa, wala rin pakialam sa sarili kung gaano na kababoy ang narating ng kanyang katawan. Ang Pilipinas ay bansang nagpapatianod lang sa dagsa ng mga kalapit bansa. Parang Pilipinas, walang paki alam kung sino man ang gusto sumakop kasi wala namang silang magagawa, kung nabuo ang bansa ng sinasakop malamang kinasanayan nalang ang pagsakop. Walang pakialam kung may dumating mang ibang kultura sa bansa, at walang pakialam kung paano sila nito mamanipulahin.

Si Curacha, nagpunta sa simbahan nagdasal. Nakakita sya ng liwanag, maputing liwanag na hudyat na pwede naman nyang maituwid ang kanyang sarili, at magkaroon ng direksyon ang buhay. Ang bansa ay makakakita pa ng puting liwanag, pero parang ang nakita mga puting tao. Mga kanong makakasama at makakatuwang, hindi bibitawan dahil napamahal na ang bansang America sa bansang Pilipinas.

Katulad ng nasabi ni Curacha “Naramdaman ko, gusto kong makita ang bestfriend kong si Myra, sya lang ang nakakaintindi sakin.” Patunay na kahit wala syang pakialam sa lahat, hindi man sya takot mamatay, gusto nya parin ang may katuwang, kasi nga “No man is an island”. Kahit na sabihing ni Curacha wala syang paki alam sa lahat ng nangyayari sa bansa. Hindi nya parin kaya ng mag-isa, nagiging masaya sya kapag andyan si Myra. Ang kanyang kaibigan, sinabi nya na “Kahit hindi mo sabihin gagawin ko yun dahil mahal kita.”  

Si Myra binibigyan ni Curacha ng importansya kasi sya lang ang nakakaintindi sa kanya, parang sya lang ang kakampi nya. Parang ang bansang Pilipinas, andyang ang bansang America, patuloy na niyayakap dahil may naitutulong sa bansa. Pinababayaan lang nito na basta basta na pumapasok ang ibat ibat kultura ng ibang bansa. Umaasa ang bansa sa America, sa bawat pagtulong ng Amerika, halatang katuwang ng Pilipinas ang America sa bawat nitong kibot. Kahit na sabihin nitong wala syang pakialam sa mga sumasakop dito, kahit na nagiging transparent ang lahat ng meron ang Pilipinas umaasa parin sila sa iba.

Patuloy man ang pagsakop ng ibang bansa sa Pilipinas mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pag-asang makakaya ng bansa ang mag-isa. Magiging malakas din ang Pinas at balang araw magiging independent katulad ng ibang bansa. Magpatuloy man ang sakupan at ang pag-asa sa iba o hindi.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento